• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu loses her passport; gets stranded in airport for two hours

Kim Chiu loses her passport; gets stranded in airport for two hours

Kris Chiu almost did not make it to her flight when her passport and wallet was stolen inside the airport.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/11/2011 12:02 AM
Kim Chiu loses her passport; gets stranded in airport for two hours


041111-kim-main.jpgSa nalalapit na Mahal na Araw ay magiging busy pa rin ang mga Star Magic artists sa pagkakaroon nila ng concert tour para sa ating mga kababayang nasa ibang bansa. Nauna nang tumulak papuntang abroad si Kim Chiu noong Sabado, April 9 subalit nagkaroon ng aberya nang manakaw ang passport ng aktres.

Kuwento ni Kim bago pa siya pumasok ay may mga tila fans na humiling na magpa-picture kasama siya. “Una nandun kami may nagpapapicture ‘yun siksikan. (Sabi ko) ba’t ang dikit nila sa akin? Ako, sa akin sige, picture tayo. Ang bag ko andyan, tapos yun pala kinuha na ‘yung passport ko.”

Nang pumila na raw si Kim para pumasok nang hingin daw ang kanyang passport ay tsaka niya natuklasang wala na ito. “Dalawang tao na lang, papasok na ako sa mismong airport, so hiningi ‘yung passport ko so sabi ko eto, pero hindi na. Wala na, nawala na ‘yung passport.” Dahil daw doon ay kinabahan si Kim na baka hindi matuloy ang pag-alis.

Kaagad namang kumilos ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport at ipinahanap agad ang nawalang dokumento ng aktres na posibleng itinapon sa basurahan. Hindi nga nagkamali ang mga awtoridad dahil pagkatapos ng dalawang oras na paghihintay ay natagpuan ng isang janitor ng airport, si Melchor Fojas, ang passport ng dalaga. Kuwento niya, natanggap raw niya ang utos ng mga nakatataas at natagpuan niya ang passport sa isang basurahan.  

Laking tuwa naman ni Kim nang matagpuan ang pasaporte at natuloy ang kanyang pag-alis. Samantala, nagbabala naman ang pamunuan ng NAIA sa kanilang mga pasahero na ibayong pag-iingat pag nasa airport. Ani, Alvin Candelaria officer-in-charge ng airport operations department, na huwag masyadong complacent kapag nasa airport at maging alerto sa lahat ng oras.