Angel Locsin on Phil Younghusband: 'He makes me happy'

The actress says it is too early to say if Phil Younghusband will eventually be her boyfriend.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/10/2011 11:18 PM
Angel Locsin on Phil Younghusband: 'He makes me happy'


041111-angel-main.jpg“He makes me happy.” ito ang makahulugang pahayag ni Angel Locsin hinggil kay Phil Younghusband, ang football star na nanliligaw diumano sa aktres. Gayunpaman, sinabi ng aktres na masyado pang maaga para masabi niyang malaki ang pag-asa na maging sila.

Pero nang itanong ni Boy Abunda kay Angel kung nanliligaw ba ang binata, sagot ng aktres, “Hindi ko alam kung panliligaw ‘yon but lagi kaming magkausap ngayon, lagi siyang nagti-text sa akin.”

Madalang nga lang daw silang magkita dahil sobrang busy ni Angel ngayon sa pagti-taping ng kanyang teleserye with John Lloyd Cruz, ang Imortal, na magwawakas na ngayong Abril. Minsan daw ay nagkikita sila ng Linggo, at noong nakaraan ay niyaya siya ni Phil na magsimba.

Nakilala na rin daw ni Phil ang mga magulang at kaibigan ni Angel noong unang pagdi-date nila. Nagyaya raw si Phil at sinundo si Angel sa kanilang bahay. Naroon daw ang lahat ng kaibigan at pamilya ng aktres at kinabahan nga daw si Phil. “Na-appreicate ko ‘yon, matapang siya, hinarap niya ang pamilya ko,” nakangiting kuwento ni Angel.

Nilinaw rin ni Angel na hindi siya ang babaeng diumano nakitang kasama ni Luis Manzano sa kotse. “Medyo malayo mangyari na ako ‘yon. Mas posible siguro na ibang babae o kabarkada. But we’re friends,” ani Angel.

Kahit naman daw busy ang aktres ay hindi siya nagrereklamo dahil itinuturing niyang biyaya ang mga ginagawa niya ngayon. Kapag daw nakakaramdam siya ng pagod ay nagpapasalamat siya sa Panginoon.  

Masaya raw siya na mabansagang sexiest woman sa Pilipinas pero mahirap din dahil kailangan niyang mapanatili ang kanyang magandang pangangatawan. Subalit dahil sa sobrang abala ay hindi na siya nagwo-work out pero kung siya raw ang tatanungin hindi siya partikular dito dahil wala siyang isyu sa sarili.

Tanggap naman daw ni Angel na sa industriyang ito ay minsan ay mainit ang artista at minsan ay hindi. Nasasaktan daw siya kapag nasasabihang laos ng ilan pero hindi naman niya ito dinidibdib.

Hindi rin daw niya naiisip ang pagtanda kung kaya’t hindi siya natatakot. Sa ngayon ang pokus raw ni Angel ay ang pagtatrabaho at marami raw siyang gustong makamit pa sa kanyang buhay.