• Home
  • Fresh Scoops
  • AiAi delas Alas bags Box-Office Queen title from Guillermo Mendoza Awards

AiAi delas Alas bags Box-Office Queen title from Guillermo Mendoza Awards

The Concert Comedy Queen is officially given the title over the weekend.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/10/2011 10:51 PM
AiAi delas Alas bags Box-Office Queen title from Guillermo Mendoza Awards


041111-aiai-main.jpgFinally ay inilabas na ng Guillermo Mendoza Foundation Memorial Awards ang resulta ng mga nanalong celebrities sa ibat-ibang kategorya,kabilang na rito ang pinakakontrobersyal na kategorya, ang Box-Office King at Box-Office Queen ng 2010. Nagkaroon ng tie para sa Box-Office King, sina Vic Sotto at Sen. Bong Revilla para sa pelikula nilang Si Agimat at si Enteng Kabisote, habang ang Box-Office Queen naman ay ipinagkaloob naman kay AiAi delas Alas para sa pelikulang Ang Tanging Ina N’yo: Last Na ‘To. Matatandaang naging kontrobersyal ang nasabing award dahil sa nagkaroon ng matinding kompetisyon sa pagitan ni Ai Ai at ni Toni Gonzaga sa pelikulang pelikulang My Amnesia Girl. Hindi naman uuwing luhaan si Toni dahil siya ang nanalo sa kategoryang Princess of Philippine Movies, habang si Coco Martin naman para sa Prince of Philippine Movies.

Todo pasasalamat naman ang Comedy Concert Queen kahapon sa The Buzz dahil sa kanya ipinagkaloob ang award. Kuwento pa nga ng komedyante, hindi na rin siya ikinagulat na inintriga siya bago niya nakuha ang award. “Minsan naiisip ko, bakit kaya ayaw nilang tanggapin na ako ito? Siguro sanay tayo sa industriya na sa atin na ang mga nananalo parati sa atin (‘pag) Best Actor, Best Actress ay puro dramatic actress ngayon lang nangyayari na komedyante ang nananalo.”

Samantala, iginisa naman ni Boy Abunda ang kanyang alaga nang tanungin si AiAi kung para kaninong espesyal na lalaki niya iniaalay ang kanyang award. Sabi pa ni Boy, nasabi raw ni AiAi na bibilhan din daw niya ng Porsche ang lalaki. Natawa lang si AiAi na ayaw sabihin kung sino ang aktor ang tinutukoy ng host.  “Ang swerte naman niya, buti pa siya meron (Porsche), ‘di ba dapat sarili ko muna ang bigyan ko?” pagbibiro ng aktres.

Naging makahulugan naman ang sumunod na pahayag ng aktres nang tanungin siya ni Boy kung gusto raw ba talaga niyang bilhan ng mamahaling kotse ang aktor. “Siguro naman kung ibibili ko ‘yung sarili ko tapos anak ko, parang deserving din siya na ibili ko siya.

“Hindi ko muna pwedeng sabihin ngayon (kung sino siya). Basta hindi siya taga-stasyon na ito, dun siya kabila, kasi dito parang walang may gusto sa akin. Sa kabila gusto nila ako,” sabay tawa ni AiAi.

Tumango naman ang aktres na nasa edad 20-25 anyos ang nasabing lalaki at ang simula ng pangalan ay nasa mga unang letra ang alphabet.

Samantala, ang ilan pa sa major awards ng Guillermo na Kapamilya ang nanalo ay sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo (Film Actor at Film Actress of the Year), para sa Most Promising Male and Female ay sina Matteo Guidicelli at Andi Eigenmann. Sina Kim Chiu at Gerald Anderson naman ang panalo para sa Most Popular Loveteam of Movies and TV.