• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga's mom Pinty speaks up about the 'Box Office Queen' issue

Toni Gonzaga's mom Pinty speaks up about the 'Box Office Queen' issue

Finally Toni's reveals how she feels about being accused for complaining about the Guillermo Mendoza awards' Box Office Queen title.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/2/2011 1:00 AM
Toni Gonzaga's mom Pinty speaks up about the 'Box Office Queen' issue


040211-toni-main.jpgTwo weeks ago ay kumalat ang balitang si Aiai Delas Alas diumano ang tatanghaling Box Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation at nag-tie naman daw sina Vic Sotto at Bong Revilla sa Box Office King title. Pagkatapos nito ay lumabas naman ang balitang umapela daw ang ina ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty sa pagkakapili kay Aiai para sa nasabing title. Si Pinty din kasi ang tumatayong talent manager ni Toni.

Hindi na napigilang sumagot ni Pinty tungkol sa mga akusasyon. Mismong siya ay nagtataka kung bakit nadawit ang kanyang pangalan tungkol sa issue. “Kasi na-intriga ako ‘di ba? Nababanggit yung pangalan ko diyan sa box office. Tinanong niya (Toni) ako doon tapos sabi niya, Mommy huwag ka nang sumagot doon para hindi na humaba. Sa totoo lang, wala naman akong kinalaman sa Guillermo awards na iyan eh,” maikling sagot ni Mommy Pinty.

Nagpahayag naman na noong isang linggo ng kanyang saloobin si Aiai at para sa kanya ay okay pa din naman ang samahan nila ni Toni, na itinuturing na din niya na halos parang anak.  Sa The Buzz naman ay sumagot din si Toni at sinabing walang kinalaman dito ang kanyang ina.