• Home
  • Fresh Scoops
  • JM De Guzman says he has a lot of respect for the late Rico Yan

JM De Guzman says he has a lot of respect for the late Rico Yan

The actor says he strongly feels the presence of Rico Yan on the set of Mula Sa Puso.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/1/2011 8:10 AM
JM De Guzman says he has a lot of respect for the late Rico Yan


040111-jm_main.jpgIsang misa ang pinangunahan ni Fr. Tito Caluag sa ABS-CBN chapel last March 29 para gunitain ang kamatayan ni Rico Yan. 9th death anniversary na ng aktor ngayong taon. Isa si Rico sa pinakasikat na matinee idol noon. Siya rin ang gumanap dati bilang si Gabriel sa hit seryeng Mula Sa Puso na may remake na ngayon.

Sa pagbabalik sa ere ng nasabing serye ay si JM De Guzman na ang nakakuha sa dating role na ginampanan ni Rico. Ngayon ay parang minumulto raw ng kaluluwa ng namayapang aktor si JM dahil sa ilang nakapangingilabot na nangyayari sa kanya. “Nag-start yun noong nagte-take kami medyo nagkaroon ng problema yung audio, nagkapalit-palit ng lapel. Noong um-okay na, naglalakad ako, may hinangin na kawayan, gumanon (muntik nang tumama) sa harap ko. ‘Di naman intentional na gaganun sa akin. Hindi tumama sa akin pero sobrang ganito (almost 2 inches) na lang tapos sabi ko, ‘wow! wow!’ Tapos nang nagdasal ako nawala. Yung gabi na iyon, doon ako medyo hindi nakatulog, kakaisip. Nag-research ako sa mga ginawa niya kahit outside showbiz, talagang nakakahanga siya bilang tao. Noong time na iyon, di na ako natakot, mabuting tao si Sir Rico, wala siyang masamang intension, kung magpaparamdam man siya, maganda yung intension niya,” seryosong pahayag ni JM.

Naniniwala naman si JM na kung totoo mang nagpaparamdam sa kanya ang kaluluwa ni Rico ay gusto lamang siyang suportahan ng yumaong matinee idol. “Respeto na lang kay Sir Rico, alam ko na nandito siya para sumuporta. Malaking bagay rin sa kanya ito kasi dito rin siya nagsimula sa Mula Sa Puso. Lahat kami dito kahit sa staff hanggang sa director, buong puso naming pinapaganda kung paano namin i-deliver yung istorya. Nandito lang siya (Rico) para suportahan kami,” kuwento pa ng baguhang aktor.

Masayang-masaya rin si JM na nakasama niya sa serye ang nakatatandang kapatid ni Rico na si Bobby Yan. May balak din si JM na bumisita sa puntod ni Rico sa mga darating na araw. “Iba lang yung feeling na nandito si Kuya Bob, sinasabi niya sa akin na kahit hindi ikaw si Rico, kapag sinasabi mo yung linya niya, naaalala ko pa rin siya. Ang plano ko rin sana, pormal na magpaalam sa kanila, ipinaalam ko na rin kay Kuya Bob na gusto ko ring pumunta sa puntod niya. Respeto lang sa kanya ‘yan,” pagtatapos ni JM.