Vice Ganda clears issue about failing to attend an event

The comedian says he wasn't really scheduled to appear in a concert at FEU.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/9/2011 7:54 AM
Vice Ganda clears issue about failing to attend an event


030911-vice_main.jpgMay mga lumabas na balitang hindi raw sumipot si Vice Ganda kamakailan sa isang concert event sa FEU (Far Eastern University) kung saan ay hinintay ang komedyante ng kanyang mga fans. Marami raw ang nagtampo kay Vice sa hindi nito pagsipot sa nasabing event. Ayon naman kay Vice ay wala raw siyang natanggap na kahit anong imbitasyon mula sa organizers ng event.

Hindi totoong may show, foundation day ng FEU. Tapos mayroon silang concert. Ang magpe-perform si Kean (Cipriano), pero di nila ako in-invite. Although gusto ko ring pumunta at gusto ko ring maging bahagi. Tapos niyaya ako ni Kean, sumama lang ako sa event na iyon. Tapos umulan, di natuloy yung event tapos ni-reschedule nila. Yung mga taong nakakita sa akin akala part ako ng event na hindi natuloy kaya noong ginawa ulit, noong itinuloy na, in-expect nila akong dumating eh hindi naman talaga ako bahagi ng programang iyon,” pagde-detalye ni Vice Ganda.

Ano kaya ang naramdaman ng komedyante sa pangyayaring ito? “Na-frustrate lang ako sa ibang naghintay kasi ang daming nag-tweet sa akin na inabangan ka namin, ikaw lang ang inaabangan namin pero di ka nagpunta. Sumama lang loob ko sa organizers. Alam nilang maraming nag-e-expect, and I’m sure narinig nila. Sana nilinaw na nila agad na hindi ako kasali talaga. Although di nila na-plug na kasali ako pero di rin nila dineny na hindi ako makakarating dahil umuulan, eh hindi naman talaga yung ulan ang dahilan kasi hindi naman ako bahagi ng programa,” paglilinaw ni Vice.

Humingi na raw ng paumanhin ang ilang organizers kay Vice dahil sa mga nangyari. “May mga nag-tweet din sa akin sa mga organizers, nag-a-apologize. Hindi raw sila nag-promote na kasama ako sa event pero may mga umaasa pa rin. Okay lang naman, charge to experience kaysa makipag-away. Sa susunod na lang na may event sa FEU, kung kakayanin ko susuporta pa rin ako,” pagtatapos ng komedyante.