Derek Ramsay defends Angelica Panganiban on 'Azkals issue'

The actor says he has no hard feelings towards Phil Younghusband and is willing to play football with him if his schedule permits it.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/8/2011 4:19 PM
Derek Ramsay defends Angelica Panganiban on 'Azkals issue'


030811-derek_main.jpgSobrang pinag-usapan last week ang naging reaksyon ng publiko kay Angelica Panganiban nang mag-post siya ng kanyang opinyon sa Twitter tungkol sa napabalitang paggawa ng indie film ng football player na si Phil Younghusband. Nagkaroon ng Twitter war sa pagitan ng aktres at isang avid fan ng football player at nadamay pa ang boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay. Agad namang idinipensa ni Derek ang kanyang girlfriend sa nasabing fan na nag-post ng mga offensive tweets tungkol kina Angelica at Derek.

Yung mga sinabi towards me I really don’t care, pero yung mga towards Angel, it was a bit off. Kasi hindi naman talaga tama yung ginawa ng taong iyon. You know what, the thing is she understands the game. I know a lot of the fans of the game that don’t understand the game, so hindi naman O.A. yung sinabi ni Angel, I don’t know why lumaki yung issue,” seryosong pahayag ni Derek.

Ipinagtapat din ng aktor na nahanap na raw nila ang nasabing fan na nag-post ng mga offensive tweets laban kay Angelica. “Na-trace na raw yata nila eh. Meron daw common friend yata silang na-trace actually the same day. I think Angel deserves an apology. I think she deserves it she didn’t say anything bad,” pakiusap pa ni Derek.

Hindi naman daw sumama ang loob ni Derek kay Phil sa mga nangyari at umaasa rin ang aktor na maaayos na ang gulo sa pagitan nila. “Let’s say this, there was never an issue between Angel, myself and the Azkals. The issue here is how somebody reacted to someone with an innocent opinion. It’s nice of him to understand what Angel is saying at least he sees that Angel is trying to help. Sometimes you take constructive criticism, it’s nice to know that he’s not reacting like his fans. If I can train with you guys, I would love to do that. If they give me an invite and I have time, I’d be willing to go there,” nakangiting pahayag ni Derek.