KC Concepcion happy to be a part of ASAP Rocks

KC says she's glad to be given a venue to show her talents in singing and dancing.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/7/2011 8:29 PM
KC Concepcion happy to be a part of ASAP Rocks


030711-kc_main.jpgLast Sunday ay winelcome sa “ASAP Rocks” ang pinakabago nilang kapamilya na si KC Concepcion. Bukod sa regular TV show niyang “The Buzz” ay regular na rin nating mapapanood si KC sa nasabing variety show.

Masayang-masaya ngayon si KC sa kanyang bagong program na kinabibilangan dahil hilig daw talaga niya ang pagsasayaw. “I think I’ll be there twice a month but nevertheless,  it’s a really great experience. I love to dance, it’s my first love and it’s great to have an opportunity to share that sa mga viewers. Kasi alam ko na talagang nae-enjoy nila kapag lumalabas ako for some reason,” bungad ni KC.

Umaasa rin ang aktres na magkakaroon siya ng pagkakataon na makilala pa ang mas marami pang Kapamilya stars. “Sana mas makilala ko pa ng mas mabuti yung ibang Kapamilya stars sa ASAP, excited akong makasabay nila sa show na ito. Hindi lang si Piolo pati yung mga girls, I’m really willing to get to know them more,” natatawang pahayag pa ng dalaga.

Samantala, nag-react na rin si KC sa isyung botong-boto raw kay Piolo ang kanyang amang si Gabby Concepcion at maging si Senator Kiko Pangilinan ay boto rin daw sa aktor para kay KC. “We’ll see what God has to say through the years, and as time goes by,” makahulugang pagtatapos ni KC.