Paquito Diaz's wake is open to the public

The veteran actor's remains are now interned at the Funeraria Paz at the Manila Memorial Park.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/6/2011 11:51 PM
Paquito Diaz's wake is open to the public


030711-paquito_main.jpgDumating na sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Park ang mga labi ng veteran actor na si Paquito Diaz bandang alas-4:00 ng hapon ng Linggo, Marso 6, mula Albay kung saan siya binawian ng buhay. Pumanaw ang aktor noong Huwebes, Marso 3, sa edad na 73 dahil sa sakit na pneumonia. Nagkaroon ng stroke si Paquito noong 2004.

Naiwan ng dating aktor ang kanyang asawa na si Nena, at apat na anak na sina Joanna, Cheska, Kris at Joko. Tanggap naman ng pamilya ang paglisan ng kanilang mahal sa buhay dahil sa dinanas nitong hirap dahil sa karamdaman. “Sa totoong buhay mabait na tao ‘yan. Matulungin, maalagain, ang mga pamangkin pinag-aral niya,” anang asawa ni Paquito na si Nena.

Emosyunal naman ang dating aktres na si Cheska sa pagpanaw ng kanyang ama. “Sweet, caring helpful, everything that a daughter can be proud of her father. He’s everything,” paglalarawan ni Cheska.

Bukas sa publiko ang burol ng dating aktor hanggang sa kanyang libing sa Huwebes sa ganap na alas-10 ng umaga.
Nakilala si Paquito sa pagiging malupit na kontrabida nito sa mga pelikula at kadalasan ay tampok sa mga palabas ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.