James Yap speaks up on rumors he's dating Isabel Oli

The basketball star says he's just friendly with the model-actress.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/7/2011 12:04 AM
James Yap speaks up on rumors he's dating Isabel Oli


030711-james_main.jpgMula nang mapahiwalay kay Kris Aquino ay marami nang babae ang nali-link kay James Yap. Ang pinaka-matunog na pinag-usapan ay ang model-actress na si Isabel Oli. May nakakita raw kasi kina James at Isabel na magkasama sa isang mall kamakailan. Bagay namang nilinaw din ni Isabel noon na nagkita lang daw talaga sila ni James pero mayroon silang ibang mga kasama.

Noong isang linggo ay muling umingay ang balitang may relasyon na raw talaga ang dalawa dahil nakita raw sina James at Isabel na magkasama naman sa Resorts World sa Pasay. Ngayon ay nagsalita na si James tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng dalaga nang makapanayam ito ng entertainment reporter na si Ginger Conejero. “Si Isabel, Cebuana din, ako Cebuano, mga Cebuano kumbaga ay magaan yung pakiramdam,” nakangiting bungad ng basketbolista.

Naikuwento rin ni James na nagpunta si Isabel sa nakaraan niyang birthday party. “In-invite ko siya. Okay yung presence niya sa birthday ko kahit walang regalo,” dagdag pa ni James. Nilinaw din ni James na magkaibigan lamang daw talaga sila ng aktres. “Si Isabel naman, kaibigan ko talaga, di ko naman dini-deny yun na hindi ko siya kaibigan. Kaibigan ko siya, we’re not dating. Wala akong nililigawan, wala akong girlfriend. Wala akong dini-date, alam nilang single ako, kung sino lang ang madikit sa aking babae, talagang ini-issue na, hintayin lang nila na ako magsabi na ito na talaga. Ito na yung girlfriend ko, ito na yung nililigawan ko para wala ng issue,” pahayag ng basketball player.

Naniniwala rin daw si James na hindi tututol si Baby James kung sakaling magkaroon na siya ng bagong girlfriend, pero sa ngayon ay hindi pa raw talaga siya handa na muling pumasok sa isang relasyon. “I’m not ready, focus muna ako sa paglalaro ko. Mahirap yung pumasok sa isang relasyon na di ka pa ready. Darating din naman yung time na ready ka na,” dagdag pa ni James.

Samantala, masaya ang basketbolista sa patuloy na gumaganda nilang friendship ni Kris dahil kamakailan ay kinonsulta pa niya ang queen of all media sa plano niyang pagbili ng isang condominium unit. “Ngayon mas cool kami, siguro okay naman ako ganito na rin. Sa advice okay naman, gaya ng kung ano ang mga pwedeng gawin, isa yung sa condo. Wala namang masama na magtanong sa kanya, may pinagsamahan naman kami. Lumalaki na si James, pangit naman na nakikita niya ang mama niya at papa niya ay hindi nagkakasundo, nag-aaway. At least ngayon nagpapasalamat ako kay Kris na napagbigyan niya yung kagustuhan ng anak namin na maging okay kami,” pagtatapos ni James.