• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin and Phil Younghusband react on being seen dating more often

Angel Locsin and Phil Younghusband react on being seen dating more often

Everyone's curious on the status of Angel and Phil's dating life.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/31/2011 8:32 AM
Angel Locsin and Phil Younghusband react on being seen dating more often


033111-angel_main.jpgLast Sunday ay mabilis na kumalat ang balitang spotted daw magka-date sina Angel Locsin at Phil Younghusband that same day sa isang restaurant. Ayon pa sa ibang report ay um-attend pa muna diumano ang dalawa sa isang church service bago pa tumuloy sa isang restaurant for dinner sa Serendra, The Fort, Taguig City.

Isang photo rin ang ipinadala sa isang entertainment blogsite at kitang-kita nga na magkasama sina Angel at Phil sa labas ng isang establishment. Nakumpirma naman sa isang exclusive interview ng news correspondent na si Ginger Conejero kay Phil ang balitang ito. Kinamusta ng reporter kung ano ang nangyari sa nasabing dinner. “It was nice,” natatawang sagot ng Azkals striker. Tinanong din ni Ginger si Phil kung nanggaling nga ba sila ni Angel sa isang church service bago tumuloy sa isang restaurant. “Did we?” natatawang sagot pa rin ni Phil.

Nang hingan naman ng pahayag si Angel tungkol sa issue ay isang text message naman ang ipinadala ng aktres na naglalaman lang ng makahulugang smiley. Mas gusto ng dalawang manatiling pribado kung ano man ang status ng kanilang friendship ngayon.

Ayon pa kay Phil ay lalo na raw niyang nakikilala si Angel ngayong madalas na silang nagkakasama. “I’d express my admiration for Angel and I think people want to know the details now and I wanna keep everything private, we’re getting to know each other,” pagtatapos ni Phil.