Jodi Santamaria to finally receive her high school diploma

The actress attended high school as a regular student at the age of 28.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/30/2011 8:09 PM
Jodi Santamaria to finally receive her high school diploma


033011-jodi-main.jpgVery busy as a mom and actress ang Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria. Sa kabi-kabila niyang showbiz commitments ay nakuha pa ng aktres na isabay ang kanyang pag-aaral at sa April 7 ay ga-graduate na siya from high school.

“Actually, last year pa ako bumalik sa school. Ang problema, medyo naging busy ako sa work so medyo hindi naman napabayaan, pero naisantabi muna yung pag-aaral. Ngayon na medyo nakaluwag ako, gusto ko na rin talaga siyang tapusin. Ito, ga-graduate na talaga ako,” nakangiting pahayag ni Jodi.

Isang regular student si Jodi sa Southville International School and Colleges kaya talagang nagsumikap siyang pagsabayin ang pag-aaral, pag-aartista at pagiging ina kay Thirdy. Suportado raw ang pag-aaral ni Jodi ng kanyang buong pamilya lalo ng kanyang anak. “Sobra talagang nakaka-overwhelm, nakakataba ng puso. Nakikita niya kasi akong naka-school uniform ako. Nag-regular class kasi ako, so natutuwa siya na sabi niya sa akin, kapag lumaki siya, kung saan ako nag-school, doon din siya at magiging classmates kami,” kuwento ng aktres.

For the very first time ay pinasok na rin ni Jodi ang pag-a-anchor sa radyo. Kasama niya si Dr. Carl Balita sa programang “Radyo Negosyo”. “Actually, noong first time na nag-text sa akin si Doc Carl, nagulat ako. Huh? Magra-radyo ako, pero sobrang interesting, bakit hindi ko i-try,” dagdag pa ni Jodi. Pinaghahandaan na rin niya ngayon ang isang bagong teleserye na balita namin ay sobrang inspirational daw ang tema. “Kailangan nilang abangan ang bago naming show dito sa ABS-CBN. Alam ko, itong April na kami ipapalabas. Maraming-marami silang matutunan, especially the values,” pagtatapos pa ni Jodi.