• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes finally speaks up about Sarah Geronimo's apology

Cristine Reyes finally speaks up about Sarah Geronimo's apology

The actress explains how she feels about Sarah saying sorry to her.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/30/2011 8:10 AM
Cristine Reyes finally speaks up about Sarah Geronimo's apology


033011-christine_main.jpgNoong isang linggo ay pinag-usapan ang nangyaring pagbabati nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes. Nagkuwento na si Sarah tungkol sa nasabing pagbabati at masayang-masaya raw ang popstar princess dahil naayos na ang gusot sa pagitan nila ni Cristine. Nagbigay na rin ng reaksyon ang kapatid ni Cristine na si Ara Mina sa nasabing pagbabati at niyaya pa nito sina Sarah at Cristine na mag-girl bonding kung mabibigyan daw ng chance.

Hindi nagbigay ng pahayag si Cristine last week dahil minabuti raw nitong huwag magbigay ng detalye tungkol sa nangyari. “Ayoko na, masyadong showbiz. Huwag na nating haluan ng pagka-showbiz yung pagbabati namin kaya mas minabuti kong huwag munang magpa-interview. Masaya ako, iwan na lang natin ‘yun doon. Maging masaya na lang kayo para sa amin,” makahulugang pahayag ni Cristine.

Samantala, May balak daw sila ni Rayver Cruz na panoorin ang pelikula nina Sarah at Gerald Anderson na Catch Me, I’m In Love kung magkakaroon sila ng panahon. “Napanood na siya ng pamangkin ko kasi favorite siya (Sarah) nun. Kapag nagkaroon ng time, medyo busy and hindi rin kami (Rayver) masyadong nagkikita ngayon,” dagdag pa ni Cristine.

Excited ngayon si Cristine para sa bago niyang leading man sa gagawin niyang teleserye.Abangan ninyo ang aming bagong teleserye, drama series po ito. Ayaw ko munang i-reveal kung sino’ng makaka-partner ko. Abangan ninyo kung sino ang bago kong makaka-loveteam. Na-excite din akong maka-trabaho siya. Doon sa workshop, mas nakilala ko siya, mas naging kumportable na ako,” kuwento pa ng aktres.