Pokwang says role in Temptation Island is not meant for her

The comedienne says she trusts ABS-CBN with her career.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/3/2011 6:04 PM
Pokwang says role in Temptation Island is not meant for her


030311-pokwang_main.jpgKamakailan ay lumabas ang balitang pinalitan na raw ni Rufa Mae Quinto ang role na dapat ay kay Pokwang para sa remake ng pelikulang “Temptation Island”.  Ano nga ba ang tunay na nangyari at hindi na kasali si Pokwang sa nasabing pelikula? “I think na-pullout na ako doon kasi mahabang istorya. Hindi po iyon dahil sa kumakalat na chika or attitude daw. Alam po ng management ang dahilan kung bakit at sila na po ang magpapaliwanag,” pahayag ni Pokwang.

Ano naman kaya ang masasabi ng komedyana na si Rufa Mae ang pumalit sa kanya for the role? “Kung sino po talaga ang deserving sa role na iyon, ibigay natin di ba para matuloy dahil maganda ang project na iyon. Kung hindi para sa iyo, di para sa iyo,” sagot ni Pokie.

Samantala, sinagot na rin ni Pokwang ang isyung na-depress daw siya sa pagkakatanggal niya sa noontime show. “Ang masasabi ko lang kasi tiwala ako sa ABS-CBN, ‘di lang ako ang anak ng Diyos, i-share natin yung blessings na dumarating. For 3 and a half years na ginagawa ko at napatunayan ko na rin sa kanila, na pwede akong host. Hindi man ako kagalingan pwede pa rin akong host, at gusto ko ma-prove sa sarili ko na hindi ako sa hosting mapapako lang,” paglilinaw ng aktres.

Hindi rin daw totoo ang balitang naghihirap na siya kagaya ng mga kumalat kamakailan. “Bakit ako maghihirap ng bonggang-bongga? May trabaho naman akong ginawa halos araw-araw, may naipon naman ako. Wala naman akong bisyong malala, marunong ako sa pera, alam ko kung saan dadalhin yung pera ko,” depensa pa niya.

Nawalan man ng pelikula si Pokwang ay masayang-masaya pa rin siya ngayon dahil kasama ang komedyana sa pelikulang ginagawa nina Vic Sotto at Bea Alonzo under Star Cinema. Matagal na rin daw kasing pangarap ni Pokie na makasama si Bossing Vic sa isang pelikula. Bukod sa pelikula ay magkakaroon na rin ng isang kakaibang teleserye si Pokwang na magsisimula na this April.