Diether Ocampo shares Kris Aquino is his 'Besty'

The actor talks about his thoughts on Rima Ostwani entering showbiz and his close relationship with Kris Aquino.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/3/2011 8:06 AM
Diether Ocampo shares Kris Aquino is his 'Besty'


030311-diether_main.jpgIsa sa mga naging dahilan ng breakup nina Diether Ocampo at Rima Ostwani last year ay ang pagiging hectic ng schedules ng aktor sa showbiz. Recently naman ay pinasok na rin ni Rima ang pag-a-artista at ngayon ay kasama na siya ni Jolo Revilla sa “Agimat Presents Kapitan Inggo”.

May potensyal naman ang dalaga at marami rin ang nakapapansin sa kanyang acting skills. Ano kaya ang reaksyon ni Diether ngayon na sumabak na rin sa showbiz ang kanyang ex-girlfriend? “I would like to congratulate her and welcome her, somehow nakaka-relate na siya kasi hindi niya ako naiintindihan dati eh. Siguro ngayon naiintindihan niya kung gaano kahirap yung trabaho natin, na hindi natin hawak yung oras natin. Minsan piling-pili lang yung pwede mong gawin, kaya yung oras mo mama-maximize mo nang husto. I am very happy that she’s doing well,” seryosong pahayag ni Diether.

Ayon pa sa binata ay okay daw sa kanya kung sakaling mabigyan sila ng pagkakataon na magkasama sila ni Rima sa mga projects. Ang tanong, okay lang kaya sa dalaga na magkasama sila ni Diet? “There’s no problem bumping into each other. As I said it was really an amicable separation, everything’s okay,” nakangiting pahayag naman ni Rima.

Samantala, ang isa pang isyu na kinakaharap ni Diether ngayon ay ang pagkaka-link niya kay Kris Aquino na ang balita ay more than friends na raw ang kanilang relasyon. “Bestfriend ko ‘yan, si Besty nga ang tawag ko diyan. I am very comfortable na we have been communicating since we parted ways. She had her own thing, I had my own thing. It just so happens na I’m single and she’s single and we’re both not yet ready getting into serious relationship. Hopefully ay makagawa kami ng pelikula ulit or teleserye. This time around I am happy na nag-level up na yung aming friendship, that’s why I am very very happy,” kuwento pa niya.