Young actress nagsisinungaling sa tunay na edad?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

3/30/2011 12:00 AM
Young actress nagsisinungaling sa tunay na edad?


033011-blinditem.jpgHANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung ano ba ang tunay na edad ng isang young actress. Ang claim ng young actress, 14 years old lang siya. Minsan, 15 years old. Di consistent. Pero may nakapagsabi na ang tunay na edad ng young actress ay between 18-19.

Graduate na ang young actress sa isang kids' gag show ilang taon na ang nakakaraan. Ito yung show na when you reach a certain age, forcibly, you will have to be taken out of the show.

Kahit sa mga co-stars niya sa isang teleserye ay inililihim ng young actress ang kanyang age. In fact, "ate" ang tawag niya sa bida ng show who just turned 16. Natatawa na nga lang ang iba pang co-stars ng young actress dahil sa pagsisinungaling nito.

Dahil maliit siya, kering-keri ng young actress na mag-claim na bata pa siya. Pero sa kilos at pananalita, alam mong she is older than what her press release is na age niya.

Baka pagsisihan ng young actress ang kanyang hindi pag-amin ng kanyang tunay na edad pagdating araw.