• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto and Bea Alonzo say they will miss working with each other

Vic Sotto and Bea Alonzo say they will miss working with each other

Vic and Bea say they enjoyed working with one another on the set of Pak! Pak! My Dr. Kwak!

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

3/28/2011 2:34 AM
Vic Sotto and Bea Alonzo say they will miss working with each other


Sa April ay mapapanood na natin ang pinakabagong pelikula ng Star Cinema starring Vic Sotto and Bea Alonzo, ang Pak! Pak! My Dr. Kwak! Kasama rin sa nasabing movie sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Pokwang, Jose Manalo at Wally Bayola. Katatapos lang din ng kanilang pictorials para sa promo ng pelikula.

Patapos na ang shooting ng pelikula kaya naman medyo emotional na sina Bea at Vic dahil mami-miss daw nila ang isa’t isa. “Nakakatuwa and at the same time ay nakakalungkot kasi mami-miss namin si Bea pati yung mga bata at lahat ng nakasama namin sa pelikula. Hindi mo mapapansin na tumatakbo ang oras kapag masaya kayo sa trabaho,” pahayag ni Bossing Vic.

“It’s been fun working with everybody. Pinakita nila sa akin na kumportable ako. They’ve been so warm to me. Talagang nilu-look forward mo each shooting day para lang makasama silang lahat. Makipagtawanan sa kanila, share experiences with them,” nakangiting pahayag naman ni Bea.

Naging close sina Bea at Vic dahil sa pelikula na kanilang ginagawa ngayon. Binibigyan ng aktor ng mga advice si Bea pagdating sa trabaho pero hindi raw tungkol sa buhay pag-ibig. “Siguro dapat ay ako ang pinapayuhan niya pagdating sa love life, ‘di ako magaling sa mga ganyan,” natatawang pahayag ni Vic.

Samantala, masaya rin si Bossing Vic sa naganap na reconciliation sa pagitan nina Pokwang at Joey De Leon recently. “It was the day after ng shooting, kinukuwento niya sa lahat ng dabarkads eh. Uy! Nagkita kami ni Pokwang, umiyak ganyan, kinuwento niya lahat, so all is well that end well,” pagtatapos pa ni Vic.