• Home
  • Fresh Scoops
  • John Prats and Shaina Magdayao, willing to work with each other

John Prats and Shaina Magdayao, willing to work with each other

The former couple says they are already on speaking terms and are professional enough to be able to work in a project once again.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/27/2011 11:52 PM
John Prats and Shaina Magdayao, willing to work with each other


032811-john-main.jpgIsa sa mga pinag-usapang split-ups sa showbiz ay ang paghihiwalay ng dating magka-relasyon na sina Shaina Magdayao at John Prats. Ngayon ay may kanya-kanya na silang special someone. Masaya si John Prats sa relasyon nila ni Rachelle Ann Go habang masaya rin naman sina John Lloyd Cruz at Shaina sa kanilang relasyon.

Ngayon ay busy sina John at Shaina sa kanilang mga career pero willing naman daw silang magkasama sa iisang project kung sakaling magkakaroon ng offer sa kanila. “We just have to be professional. Artista lang naman kami, nagta-trabaho kami so kung maganda ang istorya at magaling ang director, why not,” seryosong pahayag ni Shaina. Wala na raw dapat maging isyu sa pagitan nila ni John ngayon dahil masaya na sila sa kanya-kanya nilang buhay.

“Oo, wala namang problema iyon, kumbaga kung may project  naman, bakit hindi,” nakangiting sagot naman ni John. Ayon pa sa binata ay wala naman daw magiging problema sa kanila ni Rachelle Ann kung sakaling matutuloy ang project nina Shaina and John together.

“The good thing about sa amin ni Shin (Rachelle Ann), hindi naman kasi bigla, so it took me one year to have a relationship, iba ang trust namin sa isa’t isa. Kumbaga mahal ko na sarili ko bago ako nagmahal ulit, kaya walang problema. Blessed ako sa trust na ibinibigay sa akin ni Shin,” kuwento pa ni John.

Samanatala, very civil din ngayon sina John at John Lloyd since magkasama sila sa iisang show. “Nagkikita kami sa ASAP, napakatagal na rin siguro dapat kalimutan at mag-move-on na lahat. Yun lang naman ang wish natin na sana maging happy na lahat kumbaga lahat tayo mag-move on. Lahat naman tayo peace, lahat masaya and let’s just be happy. Happy, yippee tayong lahat,” nakangiting pagtatapos ni John.