• Home
  • Fresh Scoops
  • Derek Ramsay on issues saying he's a womanizer: 'Nasasaktan din ako'

Derek Ramsay on issues saying he's a womanizer: 'Nasasaktan din ako'

Derek says his relationship with Angelica Panganiban will remain strong despite the rumors.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/28/2011 1:34 AM
Derek Ramsay on issues saying he's a womanizer: 'Nasasaktan din ako'


032811-derek1-main.jpgMuli ay isa na namang isyu ang lumabas na diumano’y nakita si Derek Ramsay sa Dumaguete na may kahalikang babae at kasamang nag-check in ito hotel. Lahat ito ay na-post sa Twitter account ng ilang users ng site at sinabi pa na kahit sa lobby ng hotel ay nakitang nakikipaghalikan si Derek sa nasabing diumano’y girlfriend niya.

Pero sa pamamagitan ng Twitter account ng kaibigan, naglabas ng kanyang sentimyento si Derek at sinabing walang katotohanan ang mga akusasyong lumabas. Ipinagtanggol ng aktor ang sinasabing girlfriend umano niya sa Dumaguete at sinabing mabuti at disenteng tao ang inili-link sa kanya. Ang nasabing kaibigan umano ang nag-accommodate sa kanya nang pumunta sa nasabing probinsiya upang mag-recruit ng limang players na ipapasok niya sa Philippine Frisbee team.

Sa kanya namang personal blog ay sinabi ni Angelica Panganiban na mahihirapan umano ang mga taong nagnanais na magkahiwalay sila ni Derek dahil marami na raw silang napagdaanang mga pagsubok. Aniya pa, kung patuloy man silang hilahin pababa ay sisikapin nila ni Derek na manatiling magkasama.

Ipinalabas sa The Buzz ang inteview kay Derek at sinabi niyang dahil sa isyu ay apektado na ang hotel na umano’y tinuluyan ni Derek, pati na rin ang kaibigang nasasangkot at maging ang pamilya nito. Pero naniniwala ang aktor na ang mga naglagay ng mga komento ay hindi naglalayong sirain ang relasyon nila ni Angelica. “I think they’re just concerned for Angel. But Angel and I have been together for almost five years and we’re really really happy so I don’t know why may lumalabas pang mga ganito,” himutok ng aktor. “Nasasaktan din ako guys sa mga nangyayari, sa mga nagagawa n’yo. I know I smile it off but sometimes it’s kinda insulting na may babae ako kahit saan ako pumunta.”

Lubos naman ang pasasalamat ni Derek sa mga tagasuporta nila ni Angelica. Sa mga naninira naman daw sa kanila, narito ang mensahe ng aktor. “If you don’t like me for Angel, sana isipin n’yo na lang ang happiness ni Angel. Maybe she’s happy with me. You are entitled to your own opinion. You can say whatever you wanna say but at the end of the day, desisyon namin ni Angel kung masaya pa kami sa isat-isa.”