Angelica Jones urges Illac Diaz to tell the truth

An emotional Angelica Jones says that she was hurt when Illac Diaz called her a thief.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/28/2011 12:20 AM
Angelica Jones urges Illac Diaz to tell the truth


032811-angelica-main.jpgSanga-sangang pangyayari ang naganap sa isyung kinasasangkutan ng actress-turned-politician na si Angelica Jones at model-philanthropist na si Illac Diaz. Una ay ang isyung diumano’y pagdi-date ng dalawa dati na itinanggi naman ni Illac na ngayon ay boyfriend ng actress-host na si Julia Clarete. Pangalawa ay ang akusasyong diumano ay ibinulsa ni Angelica ang perang dapat sana ay gagamitin sa plastic-bottle school project nila ni Illac sa Laguna.

Kahapon ay ipinalabas sa The Buzz ang interview ni Boy Abunda kay Angelica hinggil sa nasabing isyu. Sinabi niya na niligawan siya ni Illac noong 2009 pero hindi na lumalim pa dahil nalaman ni Angelica na dini-date din umano niya ang best friend ng aktres. Mariing itinanggi naman ni Illac ang nasabing balita.

Nang magplano raw si Illac na ilunsad ang plastic bottle school project sa lalawigan sa Laguna ay tinawagan niya si Angelica na board member sa nasabing lugar para makipagtulungan. Subalit nauwi ito sa away at demandahan ng dalawang kampo dahil sa diumano’y kawalan ng transparency ni Angelica na may hawak ng pondo para sa proyekto. Dagdag pa ni Illac, hindi raw sumunod ang aktres sa kanilang napag-usapan.

Pero idiniin ni Angelica na kay Illac nagsimula ang nasabing gusot. “Pinagtatalunan po kasi na ipinapalabas na tapos na ‘yung 'bottle school' ang sabi niya nagagamit na classroom at may teacher na, pero ‘di totoo,” buwelta ng bokal ng Laguna. “Walang chairs, walang blackboard, walang estudyante, walang teacher. ‘Yun ang pinagtalunan at ayaw ko siyang kunsintihin sa kasinungalingan.”  

Sinabi ni Angelica hinggil sa isyung transparency, nang humingi sa kanya ng mga resibo si Illac, sinabihan niya ang pilantropo na makipag-ugnayan sa kanyang treasurer, ang kanyang nanay. Nagalit umano si Illac kung bakit ipinapasa siya sa kanyang staff samantalang sila ang magkausap sa nasabing proyekto. Dahilan ni Angelica ay busy umano siya. Nagdesisyon umano si Illac na babawiin na lang ang mga natirang materyales. Kinumpirma rin niya kay Tito Boy na mayroon naman siyang mga resibo.

Nang magkita raw sila ay sinubukan niyang magpaliwanag kay Illac subalit ayaw raw nitong makinig. Ang tanging sinasabi raw nito ay ilabas ang perang panlalawigan. Tinawag pa raw siyang magnanakaw ni Illac.

Dahil dito ay sinubukan ng kuya ni Angelica na saktan si Illac pero naawat ito. Itinanggi rin ni Angelica na sinaktan ng kanyang ina si Illac.

Nagpa-blotter raw si Angelica at nagdemanda ng grave oral defamation laban kay Illac at nais niyang korte na ang lumutas ng kaso.

Nang hingan ni Boy si Angelica ng mensahe para kay Illac, aniya, “Ano bang kasalanan ko sa ‘yo? Wala akong alam na maling ginawa sa ‘yo. Hiling ko lang naman sabihin mo ang totoong nangyari.”