• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga reacts on 'Box Office Queen' issue with Aiai Delas Alas

Toni Gonzaga reacts on 'Box Office Queen' issue with Aiai Delas Alas

The actress says she is glad enough for the huge support My Amnesia Girl got in the tills.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/25/2011 11:58 PM
Toni Gonzaga reacts on 'Box Office Queen' issue with Aiai Delas Alas


032511-toni1-main.jpgKamakailan ay lumabas ang balitang bibigyan ng parangal ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation bilang box office kings sina Vic Sotto and Bong Revilla at si Aiai Delas Alas naman bilang box office queen.
Kaugnay nito ay lumabas din ang balitang umaapela pa raw ang ina ni Toni na si Mrs. Pinty Gonzaga at ang fans ng multimedia star para sa nasabing box office queen title. “Hindi ko na iniisip iyan sa ngayon, kasi ayoko na siyang isipin. Kasi kung para sa iyo ang isang bagay para sa’yo. Kung hindi para sa’yo, life will still go on, so hindi natin kailangan na pagtuunan ng ganung halaga yung mga bagay na hindi pa sigurado, doon muna tayo sa mga bagay na sigurado,” makahulugang pahayag ni Toni.

Hindi man daw masungkit ni Toni ang Box office queen title ay masaya pa rin siya sa suportang ibinibigay sa kanya ng fans lalo na sa mga nanood ng box office niyang pelikula na My Amnesia Girl. “Kung dumating, dumating. Kung hindi naman, masaya rin basta ang importante naman ay pinanood naman ng tao yung pelikula natin last year so okay na ako doon,” dagdag pa ni Toni.

Sa ngayon ay hindi na lamang daw magpapa-apekto ang dalaga sa mga intrigang ikinakabit sa kanya. “Wala na siguro akong masasabi, ako naman kahit anong mensahe naman ang sabihin natin sa kanila, kung may sasabihin sila, may sasabihin at sasabihin sila. So hayaan na lang natin, lilipas din iyan,” pagtatapos ni Toni.  May balita rin na after holy week pa raw malalaman ng pamunuan ng Guillermo Mendoza kung ano talaga ang nangunang pelikula sa takilya for the year 2010 kaya dapat nating abangan kung sino talaga ang magwawaging box office queen.