Gabby Concepcion returns to TV on Maalaala Mo Kaya

The actor is glad to be able to do another episode for the longest drama anthology on ABS-CBN.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/25/2011 2:24 PM
Gabby Concepcion returns to TV on Maalaala Mo Kaya


032511-gabby_main.jpgIsang kakaibang story ang mapapanood natin bukas sa longest running drama anthology in Asia, ang Maalaala Mo Kaya. Ang special episode din na ito ang itinuturing na pagbabalik-telebisyon ni Gabby Concepcion. Ilang buwan na rin kasing namahinga pansamantala ang aktor sa pag-arte at ngayon ay muli siyang mapapasabak sa drama.

Ako’y isang pulis dito, makakasama ko si Bangs Garcia. Dito maipapakita kung paano mapapagkatiwalaan yung isang tao, bibigyan mo siya ng kalayaan. Doon mo papakita na sa pagbigay mo ng kalayaan mas lalo kang mamahalin. Yung una kong MMK was in the 90s, magaganda kasi yung istorya ng MMK. Nangyayari talaga sa buhay,” pahayag ni Gabby.

Ngayon raw ay pinipili na ni Gabby ang bawat project na kanyang ginagawa. Iba raw kasi ang fulfillment sa sarili kapag magaganda ang nagagawa niyang mga proyekto. “Namimili ako ng istorya para sa audience ko, I owe it to them, gagawa lang ako kung kakaiba. Kung ano yung magandang istoryang ipapakita ko sa kanila,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, masayang-masaya naman sina Bangs Garcia at Rodjun Cruz dahil nakasama sila sa special episode na ito ng MMK. Itinuturing daw nila itong fulfillment para sa kanila. “Natutuwa ako na binigyan ako ng opportunity na magkaroon ng lead role sa MMK. Sinisigurado ko na hindi sila magsisisi sa pag-pick sa akin, papakita ko sa kanila na karapat-dapat ako. Gusto kong maging versatile,” pahayag ni Bangs. “Kapag may ibinibigay sa akin na role, talagang ginagalingan ko. Abangan n’yo itong MMK naming, sigurado akong mai-inlove kayo, luluha at tatawa kayo dito,” pahayag naman ni Rodjun.