Young actor bangag umattend ng mall show!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

3/24/2011 12:00 AM
Young actor bangag umattend ng mall show!


032411-blinditem.jpgMATAGAL nang nababalitang may di magandang bisyo ng isang young actor. In fact, ito ang dahilan kung bakit nawala siya sa grupo na kanyang kinabibilangan. Kaya imbes na maimpluwesiyahan nito ang ibang miyembro ng grupo, kinailangan nang tanggalin ang aktor.

Nang mabuwag ang grupo, nagtuluy-tuloy pa din ang aktor sa kanyang career. Ang nakakalungkot, tuloy pa din ito sa kanyang masamang bisyo. Marami ang nakakapansin sa set ng seryeng kinabibilangan nito ang kakaibang tama ng young aktor.

Kung ang kanyang mga dating kasamahan ay pawang maganda ang career, kina-career naman ng young actor ang kanyang bisyo.
Sa katunayan, sa nakaraang mall show kung saan kasama ang aktor at mga cast ng serye, high ito sa drugs.

"Nakakaloka ang mga kilos niya," sabi ng source ni push_mina. "Iba! Iba! Halatang tumira ng kung ano man! At ang nakakaloka, may ‘di magandang amoy siya!"

Matino naman ang manager ng aktor. Pero bakit hindi magawang pagsabihan ng manager ang kanyang alaga. Siguro naman kahit papa'ano ay may nakakarating na kuwento sa manager ng ‘di magandang bisyo ng kanyang alagang young actor.