Gerald Anderson speaks up about his posers on the internet

The actor clarifies that he has no accounts on Twitter and Facebook.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/22/2011 8:23 AM
Gerald Anderson speaks up about his posers on the internet


032211-gerald_main.jpgLaganap na talaga ngayon ang posers sa iba’t ibang social networking sites like Twitter and Facebook. Maraming celebrities ang nabibiktima ng mga pekeng account na ginagawa ng mga posers.

Isa si Gerald Anderson sa mga nabiktima ng mapagsamantalang posers sa Twitter at Facebook. Maraming account ang gumagamit sa pangalan at photos ni Gerald pero hindi ito pag-aari ng aktor, kaya nanawagan si Gerald sa lahat na huwag maniwala sa mga ito. “Gusto ko lang po i-clear up sa lahat ng sumusunod sa akin sa Twtter, sa facebook, sa lahat, wala po akong Twitter, wala po akong Facebook, so hindi po ako yung nagre-reply sa inyo,” paglilinaw ni Gerald.

Worried na rin daw ang binata sa mga fake accounts na nanloloko sa kanyang fans. “Nagugulat ako minsan, siyempre natatakot din. Kasi yung iba akala nila ay ako talaga. Sana ma-realize ng poser na iyon na di na dapat gawin ‘yon,” dagdag pa ni Gerald.

Samantala, masaya naman si Gerald sa naging resulta ng mall show nila ni Sarah Geronimo last Sunday dahil dumagsa raw ang kanilang supporters sa Trinoma. “Sobrang na-overwhelm kami ni Sarah. Hindi ko in-expect na ganun sila kadami. Sobra silang warm sa amin at ang taas ng energy nila kaya sobra kaming na-excite nang lumabas kami,” kuwento ni Gerald.

Mamayang gabi ay gaganapin na ang grand red carpet premiere ng “Catch Me…I’m In Love” sa SM Megamall at mapapanood na ito simula bukas in more than 100 theaters nationwide.