Andi Eigenmann returns to 'Minsan' set after accident

The young actress says she can't do action scenes but she is going back to work.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/23/2011 7:56 AM
Andi Eigenmann returns to 'Minsan' set after accident


032311-andi_main.jpgMatapos maaksidente sa taping ng kanilang teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin last Friday ay balik-trabaho na naman si Andi Eigenmann ngayon. Matatandaang nagka-second degree burn ang young actress sa kanyang tagiliran dahil sa tama ng blank bullet na aksidenteng naiputok sa kanya ng co-star na si Martin Del Rosario.

Aminado naman si Andi na hindi pa ra rin siya fully recovered up to now kaya hindi pa siya makakilos nang husto. “Nakaka-taping ako pero maliit lang na movements. Hindi muna ako nakakatakbo or lakad ng mabilis or masyadong nakakagalaw. Medyo naka-still lang ako kasi hindi ko maidikit yung arm ko, pero kaya ko naman po mag-work. Like meron pong eksena na nagdugo na naman siya, kasi fresh pa talaga yung wound. It’s a burn eh, it’s a flash burn. Medyo mahirap at mahapdi, pero okay naman po na ako compared to noong Friday when it happened hindi talaga ako makagalaw, ngayon okay na,” kuwento ni Andi.

Naikuwento rin ni Andi na nag-alala rin si Jaclyn Jose na kanyang mommy nang mabalitaan ang naganap na aksidente. “Si Ate Maj (Maja Salvador) ang tumawag sa mama ko para sabihin ang nangyari. Naiyak siyempre mommy ko, natakot siya kung ano ang pwede mangyari pero okay naman ako so okay lang din siya, basta mag-ingat na lang. My mom was very calm about it. You’d understand, we’re doing an action series, aksidente here and there. Posible talaga mangyari, di mo talaga iiwasan doon,” dagdag pa ng young actress.

Kahit naaksidente si Andi sa kanyang trabaho ay hindi raw niya ito maiiwan dahil gusto niya talaga ang role sa kanilang serye. “Siyempre I really want to portray my role, gagawin ko talaga lahat. Basta iyon ang hinihingi ng character ko ay gagawin ko. Kahit tumalon-talon ako sa kotse, nag-e-enjoy kasi ako sa character. Bago pa nga mangyari ay sumasayaw-sayaw pa ako, feeling ko ay Charlie’s angels ako. Noong umaga ang gulo-gulo ko, feel na feel ko pa mag-action, ayan tuloy. Siyempre mag-iingat na ako ngayon, di ko na lang iisipin yung sarili kong ginagawa, dapat aware din ako sa surroundings ko,” pagtatapos  ni Andi.