Aiai Delas Alas shares her life as an adopted child

The actress says she is thankful for her aunt who raised her as her own child.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

3/22/2011 8:53 AM
Aiai Delas Alas shares her life as an adopted child


Masalimuot pala ang naging kabataan ng comedy queen na si Aiai delas Alas dahil ipinaampon siya noon sa kanyang tiyahin. Pang-anim sa pitong magkakapatid si Aiai at siya lamang daw ang bukod tanging ipina-adopt ng kanyang magulang. “Seven years old ako, kasi lagi akong dinadala ng adoptive mother ko sa office nila. Yung mga ka-opisina, kaibigan, laging tinatanong sa akin na nanay mo ba ‘yan? Hindi mo naman nanay ‘yan eh. Kaka-ganun nila, na-stress ako, tinanong ko siya. Sabi ko, ‘sabi nila, ‘di raw kita nanay totoo ba?’ Doon umamin siya na ‘di ko siya nanay, na ang nanay ko nasa probinsya, pero kasi ang adoptive mom ko is auntie ko, kapatid ng father ko, kamag-anak lang din,” kuwento ni Aiai.

Very talented si Aiai sa pagpapatawa pero sabi ng marami ay yung mga komedyante raw ay may mga kalungkutan din sa tunay na buhay. “May certain sadness sa heart ko na di ko ma-explain kasi siguro ay bata pa ako, and until now ay yung pain na iyon dala ko kapag may mga nangyayari sa aking negative, kapag napapagalitan ako ng nanay ko, married life, lovelife ko, yung tandang-tanda ko pa rin yung pain na iyon na di ko ma-explain. Hindi ko siya ma-let go,” emosyonal na pahayag ng comedy queen.

Naranasan din daw ni Aiai na maging rebelde noon pero itinuring niyang isang malaking blessing ang ginawang pagpapalaki sa kanya ng tiyahin. “Siguro may mga rebellious act din ako kaya lang ay hindi ko inaamin at medyo matino rin ako kasi takot ako sa nanay ko kasi mahigpit siya eh. Wala naman akong drastic na mga experiences kasi yung adoptive mom ko, napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Hindi ako nakapag-aral sa college, hindi ako naging artista kung iisipin ko na galing ako sa bundok. Sabi nga ng ex-husband ko, paano ka naging artista? Kasi ang layo talaga ng probinsya namin, sa tingin ko blessing and destiny ko ito,” pagtatapos ng aktres.

Ginagawa raw inspirasyon ni Aiai ang lahat ng kanyang karanasan sa pagiging ina at pagpapalaki ng kanyang tatlong anak na sina Sancho, Nicki, at Sophia.