• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says she and ex-husband James Yap have attained a formal agreement on properties

Kris Aquino says she and ex-husband James Yap have attained a formal agreement on properties

The Queen of All Media says she knows James wants what is best for their son.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/21/2011 3:54 AM
Kris Aquino says she and ex-husband James Yap have attained a formal agreement on properties


032111-kris-main.jpgKinumpirma ni Kris Aquino na mayroon nang formal agreement hinggil sa hatian ng ari-arian nila ng dating asawang si James Yap. “Meron na kaming formal agreement na separation of properties pero kung ano ang nilalaman ng agreement na ‘yon nasa korte, so tapos na. Lahat ng aspetong pinansyal tapos na, na-settle namin nang maayos amicable, fair,” pahayag ng Queen of All Media sa interview sa kanya ng The Buzz.

Tiwala rin ang actress-host na hindi pinag-interesan ni James ang yaman ng kanilang anak na si Bimby. “In all fairness to James, I honestly don’t think pagkakainteresan niya ang pera ng anak niya. Mabuting tao naman siya na hindi niya aagawan si Bimby. Hindi ka naman aagaw sa three years old.” 

Recently din ay nag-graduate na sa intermediate school ang panganay ni Kris na si Joshua. Kuwento pa ni Kris, hindi naging madali ang hirap na pinagdaanan nila para maturuan si Joshua pero lahat naman ito ay sulit sa achievement ng bata. “Very proud ako syempre. When he started sa multiple intelligence, parang hirap na hirap siya magsalita, hirap na hirap sa sentence construction, kahit sa eye contact” kuwento ni Kris about Joshua. “And in the past 10 years na nandito kami talaga (with the school) anlaki-laki ng na-improve ngayon kasi alam ko na ngayon he’s equipped with enough skills para mabuhay siya nang maayos.”

Dagdag pa ni Kris, kasama talaga sa pagiging ina ang pagkakaroon ng wagas na pagmamahal sa kanyang mga anak. “”The best thing about being a mom is fulfillment talaga. (It’s) having somebody to love someone unconditionally kasi ‘yung dalawa ko, (since) nanay ka, in your eyes they can do no wrong. Bawat achievement nila feels so major,” pagbabahagi ni Kris.

Sinabi rin ni Kris na magiging thankful siya kung may dumating na love-life sa kanyang buhay at ayos din lang kung wala sa ngayon dahil ang prayoridad naman talaga niya ay ang pagiging ina.

“It’s my duty as a mother to put my children first and kung may darating, it will come. Kung ‘di siya darating, meron naman na akong dalawang boys na sobrang nagmamahal sa akin.”