Erich Gonzales divulges Enchong Dee has a 'special someone'

The Maria la del Barrio lead stars say they may be attracted to one another but work comes first before love.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/21/2011 3:32 AM
Erich Gonzales divulges Enchong Dee has a 'special someone'


032111-enrich-main.jpgKahapon sa The Buzz ay tinukso ng mga hosts na sina Boy Abunda at Charlene Gonzales sina Erich Gonzales at Enchong Dee kung bakit hindi naging totohanan ang kanilang tambalan. Sabay lang na ngumiti ang dalawa na madalas sabihin ay prayoridad nila ang kanilang mga career.

Gayunpaman, hindi naman itinago ni Enchong na attracted siya kay Erich. “We’re just humans, there will always be attractions,” pahayag ng aktor. At gaya rin ng maraming kababaihan, sinabi ni Erich na nagaguwapuhan siya kay Enchong. Pahapyaw namang nagbiro si Erich na may “special someone” ngayon ang aktor kaya’t malabo silang magkatuluyan ngayon.

Samantala, ikinuwento ni Erich na hindi niya akalain na ang pagnanais niyang maging artista ay magbibigay daan pala upang makatulong siya sa pamilya. “Pangarap ko talagang mag-artista dahil gusto ko talagang pinapanood ang sarili ko sa TV, sa movie. Nung nag-artista po ako, na-realize ko na through this, makakatulong ako sa pamilya ko. Masarap po ‘yung pakiramdam na may magandang patutunguhan ang pinagpapaguran ko.”

Sang-ayon naman dito si Enchong na sinabing kahit hindi man niya kinailangang maging breadwinner para sa pamilya ay masaya pa rin ang pakiramdam ng tumutulong. “Now I realize na iba pala ‘yung nakakatulong ka sa mga taong may-kaya, walang-kaya, sa pamilya mo. Nasi-separate ‘yung pakiramdam, iba ‘yung fulfillment.” 

Samantala, excited naman ang dalawa sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang upcoming teleserye, ang Maria la del Barrio at makakasama nila sina AiAi delas alas, Angel Aquino, Ian Veneracion, K Brosas, Katya Santos, Gio Alvarez, Pao Diaz, Trisha Santos, Justin Gonzales at marami pang iba. Ang nasabing adaptation ng sikat na Mexicanovela ay nasa direksyon ni Rory B. Quintos.