• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann accidentally gets shot on the set of Minsan Lang Kitang Iibigin

Andi Eigenmann accidentally gets shot on the set of Minsan Lang Kitang Iibigin

Co-star Martin Del Rosario accidentally shoots Andi with a blank bullet and the actress suffered from second-degree burns.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/21/2011 3:57 AM
Andi Eigenmann accidentally gets shot on the set of Minsan Lang Kitang Iibigin


032111-andi-main.jpgNoong Biyernes ay isang nakagugulat na insidente ang naganap sa set ng teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin. Isang maaksyon na eksena dapat ang kukunan sa location nila sa Marikina nang aksidenteng nabaril si Andi Eigenmann ng kanyang co-star na si Martin del Rosario. Aksidenteng naiputok ni Martin kay Andi ang hawak nitong baril na naglalaman ng blank bullet.

“Nangyari kasi noon, yung baril naipit sa aming dalawa. Kapag eksena na di mo na maano ... yung intense, kapag naipit pa ‘di mo na ma-kontrol. All of a sudden biglang may putok na lang na narinig. Una hindi ko alam kung saan nanggaling tapos nakita ko na lang yung reaksyon ni Andi na may pain. Nataranta lahat, siyempre butas yung jacket, butas yung shirt. Hindi ko rin iniisip na mapuputok ko ‘yun, nakadikit pa kay Andi. Nangyari yung ‘di ko gustong mangyari, pag ganun ko, pak! Pumutok, diretso agad sa gilid ni Andi. Blank bullet lang naman iyon pero still, lalo na kapag malapit, may explosion iyon eh. Hindi ko naman sinasadya, wala namang gustong mangyari ng ganung aksidente sa set,” detalyadong pahayag ni Martin.

Agad naman daw isinugod si Andi ni Maja Salvador kasama ang ilang production staff sa St. Luke’s Hospital pagkatapos mangyari ang aksidente. Napag-alamang nagtamo ang young actress ng second degree burn.

“Si Martin kasama ko siya doon, tinabihan niya ako, yuyuko kami sa ground para maka-block sa bullets. Siguro na-pull niya yung trigger, tumama sa akin pero sideways. It was a blank bullet, aapoy lang siya ng ganun, sasabog lang siya ng ganun, yung dito (tagiliran, malapit sa dibdib) ko ay nasunog. I freaked out, noong una ay okay lang ako, pero after what happened, ang sakit eh. Una naramdaman ko pero biglaan kaya ‘di ako maka-react, kasi nasa eksena kami noon. Hanggang sa tumayo na ako, iyak na ako nang iyak. Hindi ko nakita yung sugat, pero nakita ko yung dugo, nakita ko yung butas tapos yung baril yun, so ‘di ba natakot ako,” kuwento naman ni Andi.

Natanggap ni Andi na aksidente lang talaga ang nangyari sa kanila at walang may gustong mangyari ito. “I guess it happens, aksidente lang naman yung nangyari. I’m fine now. It’s a wound, mawawala din naman siya, it would heal,” dagdag pa ng young actress.

Agad naman daw humingi ng paumanhin si Martin sa kanya dahil sa aksidenteng nangyari at naunawaan naman ni Andi ang lahat. Natuwa si Andi sa buong production team dahil hindi raw siya pinabayaan nito. Kasalukuyang nagpapagaling ang dalaga sa kanilang bahay sa Quezon City.