Anne Curtis shares her wish for Sam Milby

The actress-host says her ex-boyfriend Sam Milby is a very good man.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/2/2011 7:17 PM
Anne Curtis shares her wish for Sam Milby


030211-anne_main.jpgHilig talaga ni Anne Curtis ang pagkanta ng live sa “Showtime”. Very confident ang aktres sa bawat sample song numbers na kanyang ginagawa para sa madlang people. Aminado si Anne na kaya niyang makipagsabayan sa magagaling na singers sa industriya.  Hindi rin daw malayo na magkaroon siya ng sariling album one of these days dahil ni-request na niya ito sa Viva. “Yes it’s true, actually ganito ang kuwento, hiningi ko,” natatawang bungad ni Anne.

Sabi ni Boss Vic Del Rosario, sige pagbigyan natin siya. Sana, please nagmamakaawa ako na bilhin ninyo ang album ko kapag lumabas na at kapag nagka-concert ako, sana ay suportahan ninyo, free entrance ‘yun,” nakangiting pahayag ng aktres.

Katatapos lang din ng birthday celebration ni Anne last February at isang charity event ang kanyang ginawa sa Hospicio De San Jose. Maraming natulungan si Anne at hindi raw niya makakalimutan ang naging experience niya roon. “May isang lola doon, I sat beside her, kinakapa ako, sabi anak, bulag na ako ngayon pero huling kita ko sa iyo it was sa youth oriented show. Sabi niya ang ganda mo noon, siguro ang ganda mo pa rin hanggang ngayon. Tapos, kinakapa niya ako, naiyak talaga ako, kumakanta din. Alam mo it’s a heartwarming feeling na salamat sa pagdalaw mo iha. It’s a small amount to pay for an experience you’ll remember for a lifetime,” emosyonal na kuwento ni Anne.

Samantala, mayroon daw wini-wish daw si Anne para sa ex-boyfriend niyang si Sam Milby. Aminado kasi si Sam na single pa rin siya hanggang ngayon kaya gusto ni Anne na makahanap na sana ang aktor babaeng magmamahal sa kanya. “That’s all I ever wish for him because Sam is such a good person and he has a love to give as well. Siyempre all I wish for him is to find someone that will truly make him happy,” pagtatapos pa ni Anne. Masayang-masaya ngayon ang aktres sa kanilang relasyon ni Erwann Heussaff.