Sharon Cuneta says adopted child Miguel is heaven-sent

The Megastar says Miguel has given her family so much happiness.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/18/2011 10:29 PM
Sharon Cuneta says adopted child Miguel is heaven-sent


031911-sharon-main.jpgLast year ay isang anghel ang natanggap ni Megastar Sharon Cuneta, ang kanyang adopted son na si Baby Miguel. Paano nga ba naging miyembro ng kanilang pamilya si Baby Miguel? “Sabi ko, my God, I swear gusto ko talaga ng baby, gusto ko talagang mag-adopt. Biglang may tumawag sa amin, may dinala sa kanilang bata. Alam nila I kept saying na gusto kong mag-ampon. Noong kinausap ko, ‘di ko man lang nakikita yung picture niya (Baby Miguel), ni walang MMS. Sabi ko, teka muna, huwag mong ibibigay ito to anybody else, akin ‘yang bata na iyan. Maganda yung katwiran ng asawa ko, sabi niya thinking to better lives of million Filipinos, then there is this one child that comes, and what I can’t give him a life,” kuwento ni Sharon.

Hindi man biological child ni Sharon si Baby Miguel ay sobra raw ang pagmamahal ng buong pamilya ng Megastar dito. Ngayon daw ay one-year-old na ang itinuturing niyang bunsong anak  at sobrang happiness daw ang naidudulot nito sa kanilang pamilya. “Parang lumabas talaga sa akin. He is so much like us, yung mga ate niya, mahal na mahal siya. Kapag hindi sinundo ni Miguel si Frankie sa school parang nagtatampo si Frankie.”

“Masayang-masaya na kami noon with our kids pero sumobra talaga yung dagdag ng kaligayahan ng batang ito. Masarap yung biological child ka, pero it doesn’t have to be a child na galing talaga sa iyo. There are so many kids who are in need of love and attention, so many unwanted, unfortunately, so ang daming pwedeng bigyan ng pagmamahal,” pahayag pa ni Ate Shawie. Sana ay maipakita na rin sa publiko ng Megastar si Baby Miguel sa mga darating na araw.