• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino shares her Holy Week plans with sons Josh and James

Kris Aquino shares her Holy Week plans with sons Josh and James

The actress-host says she works hard for her children's secure future.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

3/18/2011 11:35 AM
Kris Aquino shares her Holy Week plans with sons Josh and James


Sa darating na Holy week ay nakatakdang mag-bakasyon sa ibang bansa si Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Josh at James. 4th Birthday kasi ni James sa April 19 at sa Disneyland nila ito balak i-celebrate. “Pupunta kami sa L.A. Disneyland tapos meron kaming Mexican Reviera Cruise na Disney ulit. Iyon ang gusto ng anak ko so ibigay ang hilig,” nakangiting pahayag ni Kris.

Noong Linggo ay isang very special event ang dinaluhan ng Queen of All media dahil magtatapos na ang kanyang panganay na si Josh sa intermediate school nito. Sinisiguro ni Kris na nawi-witness niya lahat ng mahahalagang events ng kanyang mga anak kahit very hectic ang kanyang schedules. Naka-plano na rin daw na i-enroll ni Kris si Josh  sa music classes kay Maestro Ryan Cayabyab dahil sa galing nitong tumugtog ng piano. “Mag-e-enroll siya sa Ryan Cayabyab kasi ang galing niyang mag-piano para maging musical director,” dagdag pa ni Kris.

Aside from music class ay gusto ring i-enroll ni Kris si Josh sa baking class. “Just the other day ay nag-bake siya ng brownies, masarap,” kuwento pa ng aktres.
Nabanggit din ni Kris na ngayon ay wala raw siyang ibang iniisip kundi ang kinabukasan ng kanyang mga anak. “It’s my duties as his mother na mawala man ako sa mundo ay meron siyang pagkakakitaan,” pagtatapos pa ni Kris.