• Home
  • Fresh Scoops
  • Ethel Booba says she was depressed because she suffered a miscarriage

Ethel Booba says she was depressed because she suffered a miscarriage

The comedienne says she felt very alone after her Romanian boyfriend didn't believe she was pregnant.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/18/2011 8:15 AM
Ethel Booba says she was depressed because she suffered a miscarriage


031811-ethel_main.jpgNahaharap ngayon ang komedyanteng si Ethel Booba sa isang malaking kontrobersiya dahil sa pagkakasangkot nito sa diumano’y pagsunog sa sariling condominium unit sa Timog, Quezon city noong Biyernes. Ayon kay Ethel ay lasing na lasing siya ng mga oras na naganap ang insidente at aksidente lamang daw ang nangyari.

Maraming trahedya raw ang nangyari sa buhay ni Ethel ngayon. Katulad na lamang nang nabuntis siya ng kanyang Romanian boyfriend na si Marius. Nalaglag diumano ang baby boy na kanyang dinadala last month. “Nakakapagtampo ang situation, wala pang one month na nalaglagan ako ng baby and six months na siya. Lahat sila (mga friends) hindi naniniwala, lahat sila weeeh? ‘Di nga? Ang sakit, wala kang suportang natanggap. So ako pinipilit kong itago kasi nga ‘di ba nagkaroon ng issue na hindi na ako magkakaroon ng anak. Iyon yung time na ginive-up ko yung career ko para kay Alex (Crisano). So kailangan ko panindigan.”

Yung boyfriend ko si Marius, noong sinabi ko na pregnant ako, hindi siya naniwala. Tapos hanggang naging way ko para sabihin ko sa boyfriend ko kasi paalis siya pabalik ng Romania, umalis pa rin siya. So feeling ko mag-isa lang ako. Tapos noong nalaglagan ako dahil naglipat ako ng condo, ako lang mag-isa as in ako nagbubuhat lahat. Tapos na-depress ako, parang feeling ko ay pinag-kakaisahan nila ako na baliw ako, na buntis ako. Kinimkim ko yung anim na buwan tapos noon humingi ako ng tulong noong nawala na yung baby,” emosyonal na kuwento ni Ethel.

Hinding-hindi raw makakalimutan ng komedyana ang mga dinanas niya noong buntis pa siya at malaking factor daw sa pagkakalaglag ng kanyang baby ay ang depression. “Sobrang ako nagbubuhat ng lahat ng gamit. Tapos sumakit na lang bigla katawan ko. Tapos two days akong nasa bed, hindi ako makabangon,” kuwento pa ni Ethel.

Nilinaw rin ni Ethel na hindi bakla ang kanyang boyfriend katulad ng mga naglabasang balita last week. Nasabihan lang daw niya ng “bakla” si Marius dahil nanggigil siya nang mag-away sila nito kamakailan.