• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla on Mariel Rodriguez working again: 'Wag lang makipag-kissing scene sa iba'

Robin Padilla on Mariel Rodriguez working again: 'Wag lang makipag-kissing scene sa iba'

Robin Padilla says he and Mariel Rodriguez are adjusting to her Happy Yippee Yehey schedule.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/16/2011 8:02 AM
Robin Padilla on Mariel Rodriguez working again: 'Wag lang makipag-kissing scene sa iba'


031611-marobin_main.jpgHindi nagbabago ang sweetness nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla sa isa’t isa buhat nang magpakasal sila noong isang taon. Sabi nga ng marami ay nasa honeymoon stage pa rin ang dalawa.

Sa pagbabalik ni Mariel sa telebisyon ay malaki raw ang nagbago sa relasyon ng dalawa. Nagkaroon  kasi ng malaking adjustment sa kanilang buhay may asawa dahil araw-araw nang umaalis si Mariel ng bahay for her TV show. “Nami-miss ko siya kasi hari ako ni Mariel. Nabawasan yung noon, kapag gumising pa lang ako, panic na iyan. Kailangan nasa akin na lahat. Kailangan nandoon siya. Ngayon naibibilin na lang niya, si Manang na lang yung tanghalian. Hindi naman masama iyon kasi ako rin naman ang nagpipilit sa kanya na mag-trabaho, kasi ayoko siya na sa edad niya, sa peak niya, yung kagalingan niya sa hosting. Gusto ko nga, gusto ko pa siyang gumawa ng pelikula, huwag lang makipag-kissing scene sa iba dahil hindi ko kaya iyon,” nakangiting kuwento ni Robin.

Sobrang adjustment din daw ang naranasan ni Mariel mula nang magbalik siya sa trabaho. “It’s really different, normally I’d wake up and I just, adjust on what he has to do for the day, but now I have something to do also. Sometimes when I feel that he needs me and I can’t be there, it kills me, yung ganun. Feeling ko it would be so much easier and better if I were there. Feeling ko di ko nagagawa nang mabuti yung duties ko,” pahayag naman ni Mariel. Masaya naman daw si Robin na napapanood niya si Mariel araw-araw sa TV.

Napagku-kuwentuhan din ng mag-asawa kung ano ang mga nangyayari sa “Happy Yipee Yehey” araw-araw. “Everyday he asks me, how was show show? Nanalo ba? Magkano? He always asks me kung kamusta? Di ba we have games, nanalo kami babe, natalo kami babe, ako ang nagpatalo,” natatawang kuwento pa ni Mariel. “Basta masaya ako na nagha-Happy Yipee Yehey siya. Kapag nakikita ko siya sa TV masayang-masaya ako,” pagtatapos naman ni Robin.