Vice Ganda reunited with his mom after nineteen years

The comedian says he has been asking his mom to stop working and come home since his career in showbiz started to flourish.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/15/2011 7:05 AM
Vice Ganda reunited with his mom after nineteen years


031511-vice_main.jpgAfter nineteen long years ay muling nakasama ni Vice Ganda ang kanyang ina dito sa Pilipinas. Sa America kasi nagta-trabaho ang ina ni Vice at noong Miyerkules ay umuwi na ito kasama pa ang kanyang lola kaya masayang-masaya ang komedyante. “Masaya ako, masaya ang buong pamilya ko na nandito na sila after nineteen years. Noon ko pa pinipilit yung nanay ko na umuwi na, noong maayos na ang trabaho ko, umuwi ka na, huwag ka nang mag-trabaho kasi matanda na. Reunion talaga kaya nag-uumapaw yung kaligayahan ko ng araw na iyon,” pahayag ni Vice.

Isang malaking sorpresa ang sumalubong sa nanay ni Vice dahil isang bagong bahay ang naipatayo na ni Vice dahil sa kanyang pagsusumikap sa trabaho. “Naiyak yung nanay ko, yung lola ko nakangiti pero umiiyak din siya kasi wala siyang idea kung anong itsura ng bahay. Alam lang nila may pinapaayos akong bahay para sa kanila pero wala silang idea kung ano itsura pati yung mga kapatid ko gusto nilang makita para bumisita habang pinapagawa pero hindi ko talaga ipinakita, kahit litrato,” kuwento pa ng komedyante.

Minsan na raw nakapunta si Kris Aquino sa kanyang bagong bahay at binigyan din daw siya ng queen of all media ng isang bagong refrigerator. “Yung nanay ko gusto siyang (Kris) ma-meet ng personal, siya rin gustong ma-meet nanay ko. Yung bongga kong refrigerator sa kanya galing. Namimili ako ng gamit, sabi niya huwag kang bumili ng ref yun ang regalo ko sa iyo, nag-BBM siya pag-uwi niya. Thanks ha, sarap ng dinner, ganda ng house mo, so pleasant your mom, nakaka-inspire ka. Nakakatawa lang si Bimby kasi may pinapa-download siya sa I-pad sabi niya, Bimby di pwede ngayon iyan, why mommy? Walang wi-fi ang house ni Vice, sabi ko next week bumalik kayo rito, ipapa-wi-fi ko,” natatawang kuwento ni Vice.