• Home
  • Fresh Scoops
  • SPOTTED : Young teleserye actress, palihim na sumakay sa car ng young hunk actor!

SPOTTED : Young teleserye actress, palihim na sumakay sa car ng young hunk actor!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

3/14/2011 5:29 PM
SPOTTED : Young teleserye actress, palihim na sumakay sa car ng young hunk actor!


031411-blinditem.jpgInteresting ang itinatagong relasyon ng dalawang bagong stars na ito ha, kung meron ngang itinatago. Sa harap ng isang sikat na restaurant, naka-park daw ang sasakyan ng young hunk actor na very visible lately sa mga teleserye (take note : MGA) ng isang TV network. Magpapa-picture sana angmga friends ko nung makita siya, but… AS IN BUT! Biglang dating itong young actres, na bigatin rin dahil bumibida rin in her own TV series!

Ang nakakagulat, konektado pala sila! Paano? Ewan. Eh hindi naman sila magkasama ng teleserye. May ibang leading men naman itong si girl. Eh paano ngang naging konektado? Basta, si young actress sumakay sa car ni young hunk actor. O eh di may koneksyon silang kung anuman para magkulong sila sa car di ba? At ang nakakatawa, pagpasok ni girl sa car… yung mga kasama ni boy na nasa front ng car, biglang tinakpan ng dyaryo ang windows-windshield as if tinatago kung anuman ang nagaganap sa loob ng sasakyan. After mga 15 minutes, bumaba na si girl! Quickie! Oh I mean, quick lang ha! Ano kayang nangyari sa loob ng car? Mabuti pa hulaan niyo sino ang dalawang baguhang stars na ito, at based sa personalities nila isipin kung anong nangyari sa loob ng car. Hihihi.