• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Santamaria keeps mum amidst claims that she and Pampi Lacson have called it quits

Jodi Santamaria keeps mum amidst claims that she and Pampi Lacson have called it quits

Jodi Santamaria prefers to keep quiet amidst speculations on her split with husband Pampi Lacson to protect her son.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/13/2011 10:12 PM
Jodi Santamaria keeps mum amidst claims that she and Pampi Lacson have called it quits


031411-jodi_main.jpgUsap-usapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang diumano’y paghihiwalay nina Jodi Santamaria at asawang si Panfilo “Pampi” Lacson Jr. Gayunpaman nananatiling tahimik ang aktres sa kabila ng ingay. Ang nasabing isyu ay matagal nang umuugong, way back in 2007 pa, dalawang taon pagkatapos ikasal ang dalawa. Diumano’y pisikal na sinasaktan ni Pampi si Jodi kapag nagkakaroon sila ng ‘di pagkakaunawaan na itinanggi naman ni Jodi noon.

Maraming pagkakataon noon na ‘di isinusuot ni Jodi ang kanyang wedding ring na lalo pang nagpalakas ng hinala, pero ipinaliwanag ng aktres na malaki ang kanyang ipinayat at maluwag ang singsing kung kaya’t hindi niya ito isinusuot. Pero hindi niya ipinagkaila na gaya ng maraming pagsasama, nagkakaroon din sila ni Pampi ng mga ‘di pagkakaunawaan.

Muling lumutang ang mga hinala noong nakaraang taon nang tanggapin ni Jodi ang kanyang tropeo bilang Best Supporting Actress sa Cinema One Originals dahil sa kanyang acceptance speech ay hindi niya napasalamatan ang kanyang asawa. Depensa ng aktres, nagkaroon siya ng mental block dahil sa sobrang kasiyahan.

Umugong din ang balitang pagkakasangkot ni Jodi sa paghihiwalay nina Iwa Moto at ang boyfriend nitong si Mickey Ablan. Pero sinabi ni Iwa sa panayam na walang kinalaman si Jodi sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend.

Noong nakaraang linggo ay lumabas sa mga tabloid ang balitang sinabi diumano ni Pampi na hiwalay na nga raw sila ni Jodi at itinangging sinasaktan niya ang asawa. Pero sa kabila ng mga ito ay nanatiling tahimik si Jodi.

Noong Marso 11 naman ay naglabas ng official statement ang Star Magic hinggil sa pananahimik ng talent nilang si Jodi. “We respect Jodi’s decision not to comment on her marital issues. We hope that the public understands as Jodi and Pampi care for the well-being of their son. Thank you.”