• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano says he will continue reaching out to his fans online

Gary Valenciano says he will continue reaching out to his fans online

The singer apologizes to his fans after his Facebook fan page was hacked into.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/13/2011 9:26 PM
Gary Valenciano says he will continue reaching out to his fans online


031411-gary_main.jpgLast weekend ay maraming artista ang nag-post ng message sa Twitter informing their followers na na-hack daw ang facebook fan page account ni Gary Valenciano. Paano kaya na-discover ng singer na na-hack ang kanyang account? “Isa ako sa mga administrators. Ako, si Paolo at si Angeli, tapos noong pumasok ako as an administrator di na pumayag na maging admin ako. Ni-report ko sa ibang admin, ganoon din ang problema, doon ko na nalaman na na-hack yung site. Buti naman di nagkaroon ng ibang post pero di na ako nakakapag-post ng sarili kong messages,” kuwento ni Gary.

Humihingi naman ng paumanhin si Mr. Pure Energy sa kanyang mga supporters dahil sa pangyayari. “I want to apologize sa lahat ng followers kahit nasa 40,000 pa lang, but we’re rebuilding the site again. The Facebook account is Gary Valenciano Official, that’s the official Facebook page of Gary V.,” dagdag pa ng singer. Mayroon din siyang mensahe para sa hacker ng kanyang account. “Sa mga nag-hack naman sa site ko, congratulations! It’s not going to stop me from reaching out to people in a special way,” seryosong pahayag ni Gary.

Maging ang anak ni Gary na si Gab ay apektado rin sa mga nangyari. “To all those people who hack, I know magaling kayo sa computer, pero guys out of respect lang, I hope you respect not just me, or my family. I hope you can respect everybody else. Yung Facebook, Twitter, Multiply, Myspace, we do it because we want to connect to our friends, our family, our fans. I hope you can respect that na hindi n’yo kami lolokohin ng ganito. May God bless you pa rin and I pray that sa susunod di n’yo na gawin,” emosyonal na pahayag ni Gab.