Bea Alonzo on Zanjoe Marudo: 'He came at the right time.'

The actress shares that she wants her blossoming relationship with Zanjoe Marudo to remain private.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/13/2011 9:28 PM
Bea Alonzo on Zanjoe Marudo: 'He came at the right time.'


031411-bea_main.jpgMas vocal na ngayon si Bea Alonzo sa pagsasabing malaking blessing ang pagdating ni Zanjoe Marudo sa buhay niya. Although noong una ay secretive si Bea tungkol sa gumagandang pagtitinginan nila ng aktor ay open na ngayon ang aktres sa status nila ni Zanjoe. Aniya, malaking tulong daw si Zanjoe para matuto siya ng mahahalagang bahay sa buhay. “I try not to isolate myself anymore. I’m starting to break my walls. Gusto kong i-open ang sarili ko. Parang he came at the right time na siya ‘yung naging kaibigan ko, nakapag-open up ako agad ng mga bagay na hindi ko na usually ino-open sa ibang tao and may immediate connection kasi naiintindihan niya,” ani Bea sa interview niya. 

Ipinaliwanag din ni Bea kung bakit masaya siya kay Zanjoe ngayon. “Because he’s such a positive person, siyempre nakakakilig,” sabay tawa niya nang makausap ng The Buzz. “He makes me laugh. Kapag may ginagawa akong mali, hindi siya ‘yung okay lang ‘yan dahil ako ‘yon. Sinasabi niya kung ano ang mali ko and hindi naman lahat ng tao nakakatagpo ng ganong tao sa buhay nila.”

Nakilala na ni Zanjoe ang pamilya ni Bea pero sinabi ng aktres na hindi pa siya naipapakilala ni Zanjoe sa kanyang pamilya. “Hindi pa, wala pa dun. Wala pa sa ganung level. Hindi pa muna. Hindi pa nagma-mature kung ano ang meron kami,” pagtanggi ng dalaga.

Hindi pa man sila umaamin kung sila na, hindi naman maitatangging may espesyal na namamagitan sa dalawa. Sinabi rin ni Bea na kung anuman ang kahihinatnan ng kanilang relasyon ay nais ng aktres na maging pribado ito. “I don’t want it to get ugly. Kung sakali na hindi siya mag-work, I want it to be quiet and may extent lang kung ano ang pwedeng i-share. I don’t want it to get ugly in the future kung sakaling hindi mag-work.”