Arron Villaflor involved in an internet scam?

Arron explains a so-called fan used his name to solicit money from his other supporters.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/12/2011 1:56 AM
Arron Villaflor involved in an internet scam?


031112-aaron_main.jpgHindi inakala ng young actor na si Arron Villaflor na magiging biktima siya ng mga manloloko sa internet. Mabait sa kanyang fans ang binata kaya naman nag-reachout ito through internet at gumawa ng sariling fan signs sa Facebook para matuwa ang kanyang supporters. “Nagsimula ito may isang fan o sumusuporta sa akin, humihiling ng pabor na ‘Uy! Gawa ka naman ng fan sign para matuwa naman sila (fans) dahil sumusuporta sa iyo.’ Then sabi ko naman, sige wala namang kaso sa akin iyon eh. Yun na yung pagkakataon na mapasaya ko sila. Tinanggap  ko iyon, then sa maling paraan na hindi ko inakala na gagawin niyang business ito sa pamamagitan ng isang fan sign,” seryosong kuwento ni Arron.

Ginamit diumano ang nasabing fan sign sa social networking site na Facebook para magbenta ng gadgets at mapaniwala ang mga tao na mismong si Arron ang gumagawa ng transactions para makapang-biktima.  “Actually, itong taong ito gumawa siya ng real account ni Arron sa Facebook na nandoon lahat ng binebenta niyang I-pad, Blackberry, kung anu-anong gadgets pa, so akala ng mga tao na si Arron Villaflor nga ito. Napaniwala niya yung mga tao, pinadaan niya sa isa sa mga money transfer, yung bayaran kumbaga kapag nakapagbigay na sila ng pera, full payment, nagtataka sila kung bakit hindi pa dumadating yung unit sa kanila,” pahayag ng binata.

Sobrang na-disappoint si Arron sa ginawang paggamit sa identity at photo niya para makapanloko ng ibang tao. “Nakakainis kasi ikaw na yung gumawa ng pabor tapos ito pa yung igaganti nila sa iyo ‘di ba? Parang nakakawalang gana,” dagdag pa ni Arron.

Mayroong mensahe ang aktor para sa patuloy na gumagawa ng anomalya sa internet. “Sana naman ay huwag ninyong gamitin sa maling bagay. Kasi kami naman nagbibigay kami ng saya sa inyo, kung ini-idolo ninyo kami salamat pero ganun lang naman, bigayan lang naman tayo. Sana ay huwag n’yo nang balakin kasi hindi nakakatuwa talaga,” pakiusap pa ni Arron.