Anne Curtis to do a duet with Sam Milby on her first album

The actress is adding 'singer' to her list of achievements.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/11/2011 9:17 AM
Anne Curtis to do a duet with Sam Milby on her first album


031111-anne_main.jpgKahapon ay muling pumirma ng kontrata si Anne Curtis sa Viva Entertainment. Bukod sa mga pelikula na naka-lineup for her sa nasabing kontrata ay nakatakda rin daw siyang gumawa at mag-release ng sariling album this year. “By April start na ako mag-recording, basta in the mean time mag-voice coach muna ako. Bawal akong uminom ng malamig na tubig. Alam ko di ako pwedeng sumabak lang. Kailangan may professional na mag-guide sa akin para kahit paano di ba,” nakangiting pahayag ni Anne.

Very exciting ang album na gagawin ni Anne dahil magkakaroon daw sila ng duet dito ng kanyang ex-boyfriend na si Sam Milby. “Isa na siya sa artistang kasama ko but of course I have to write properly, and formal letter to his management to see if it will be allowed. Hopefully sana payagan siya. Feeling ko this is what Sam and I owe to our fans everyday nagti-tweet, sa SNN (Showbiz News Ngayon), sa The Buzz laging humihingi na mag-MMK (Maalaala Mo Kaya) kami, teleserye or movie. So ngayon I don’t think mangayayari yun, so at least I can make a way for them to be happy,” kuwento pa ng aktres. Ayon pa kay Anne ay mayroon daw siyang pasabog na guest at dapat abangan ng lahat sa kanyang album.

Samantala, suportado naman daw ng buong pamilya ni Anne ang kanyang recording career. Full support din daw ang kanyang boyfriend na si Erwann Heussaff. “Very supportive, ti-next niya ako, ako I will buy many copies and give them for Christmas gifts, so sure na may bibili,” natatawang kuwento pa ni Anne.