• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino on James Yap: 'Wala akong comment sa buhay niya'

Kris Aquino on James Yap: 'Wala akong comment sa buhay niya'

The actress-host says everybody including her ex-husband deserves a shot at happiness.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/10/2011 11:10 AM
Kris Aquino on James Yap: 'Wala akong comment sa buhay niya'


031011-kris_main.jpgNagsimulang mag-live noong Lunes ang game show na The Price Is Right kaya masaya ang host nitong si Kris Aquino. Iba raw kasi ang energy at excitement kapag live ang isang programa. “Ang saya, ang sarap talaga ng energy. Iba yung excitement nila but feeling ko may dagdag na taranta factor. Feeling ko mas mahihirapan nang konti so may challenge talaga, pero masaya talaga so join us ha, madali talagang sumali,” bungad ni Kris.

Samantala, naikuwento ng Queen of All Media na malapit na raw matapos ang kanyang pinapagawang pink kitchen sa bahay at willing daw siyang ipakita ito soon sa lahat ng Kapamilya. “Ipapa-tour ko po sa inyo after Mother’s Day. Kapag tapos na siya,” dagdag pa ng aktres.

Maganda na rin ang relasyon nina Kris at James Yap ngayon dahil patuloy daw na lumalamin ang kanilang pagkakaibigan. Ano kaya ang reaksyon ng queen of all media sa naging pahayag ni James the other day? Inamin kasi ng basketbolista na in-invite niya si Isabel Oli sa nakaraan niyang birthday party at pumunta naman daw ang model-actress sa nasabing okasyon. “I think he has the freedom already, although not legally. Wala pa naman ang papeles naming dalawa, tutal hindi naman na kami sa isang bubong nagsasama, at kung gusto niya talagang umibig by all means, kasi parang I believe talaga that everybody deserves a chance at happiness,” pahayag ng aktres.

Mas gusto rin daw ni Kris na huwag nang magsalita tungkol sa personal na buhay ni James dahil ito raw ang kanyang ipinangako sa dating asawa. “Wala akong comment sa buhay niya. Ang pino-problema ko lang sa buhay ko at ng mga anak, kailangan maging happy kami ng kids ko. Kung happy kami eh di okay na iyon. Ayoko mag-aaway na naman kami, nag-promise ako sa kanya na shut up para peace, love, harmony. James ha, hindi ako nag-comment, be happy. God bless you,” nakangiting pagtatapos ni Kris.