• Home
  • Fresh Scoops
  • Gov. Vilma Santos says Luis Manzano's friendship with Anne Curtis is extra-ordinary

Gov. Vilma Santos says Luis Manzano's friendship with Anne Curtis is extra-ordinary

The actress shares how blessed Luis and Anne are because of their friendship.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

3/1/2011 8:06 AM
Gov. Vilma Santos says Luis Manzano's friendship with Anne Curtis is extra-ordinary


030111-vilma1_main.jpgMatagal nang soulmates ang turingan nina Luis Manzano at Annes Curtis kaya marami ang humahanga sa kanilang pagkakaibigan. Maging si Gov. Vilma Santos-Recto ay sobrang napahanga sa relasyon ng dalawa. “Hanga ako sa friendship nila, yung pagiging soulmate nila. Maski kapag nagpupunta si Anne sa bahay, I could say na ibang klaseng friendship. Ito yung friendship na tatagal hanggang pagtanda nila, kapag may nangailangan sa isa’ isa, laging nakahanda ang isa, and for that being the mother of Luis, I’m truly happy sana ay tuloy-tuloy sila hanggang pagtanda nila. May God bless your friendship kasi bihira iyan,” nakangiting pahayag ng Star for all seasons.

Sobrang proud daw ngayon si Ate Vi para sa lahat ng achievements ng kanyang panganay na anak. “I’m very proud of my son, kung saan siya nakarating, tinrabaho niya iyan. Hindi niya kami ginamit na mga magulang niya na nasa showbiz din. He’s a hardworking person, may determination sa sarili niya. Ang alam ko naman, nasa lapag ang kanyang mga paa. I’m very very proud of my son and I’m lucky to have him,” dagdag ni Gov. Vi.

Laging nakasuporta ang actress-politician sa bawat ginagawa ni Luis at parang barkada lamang daw ang turingan nilang mag-ina. “I don’t usually meddle pero kapag malungkot siya or masaya, lagi akong kasama. Sometimes I’m a friend, kabarkada ako, what’s up anak? Sometimes naman ay nanay ako, don’t do that lie low kay diyan anak. Lagi kaming may communication as in everyday, minsan thrice a day pa,” kuwento pa ni Ate Vi.

Nag-react din si Gov. Vilma sa isyung pagkakamabutihan daw muli ngayon nina Luis at ng ex-girlfriend nitong si Angel Locsin. “Ano man ang alam ko, I don’t meddle, let it be. If it’s meant, it’s meant. Kapag hindi naman let them be friends,” pagtatapos pa niya.