• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano on talking to Mariel Rodriguez and dating Angel Locsin again

Luis Manzano on talking to Mariel Rodriguez and dating Angel Locsin again

The Entertainment Live host reveals details of his reconciliation with Mariel and seeing Angel again.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/9/2011 12:22 PM
Luis Manzano on talking to Mariel Rodriguez and dating Angel Locsin again


For the first time ay muling nagkita sina Luis Manzano at Mariel Rodriguez sa ELive last Saturday. Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa at hindi nakapag-usap ng ilang buwan dahil nawala ring pansamantala sa telebisyon si Mariel nang magpakasal ito kay Robin Padilla.
Very awkward daw ang muling pagkikita nina Luis at Mariel pagkatapos ng mahabang panahon. "Noong una, admittedly, di ako magpapaka-plastik. Matagal na rin kaming hindi nagkita at nag-usap so di naman mawawala iyon, pero as it progressed, safe to say na nalalabas naman namin kung sino man kami, bilang magkaibigan kami dati," pahayag ni Luis.

Kahit nakaramdam ng pagkailang si Luis ay inamin nito na hindi naman daw siya nagdalawang isip nang malaman niya na muling makakasama si Mariel. "Sabi ko, oo naman! No problem at all. I'rsquo;m not gonna even think twice, sinabi nga sa isang part, yung sa amin ni Mariel was very very petty. Least of her worries yung sa amin," paglilinaw pa ni Luis.

Ngayon daw ay muling isinasaayos at ibinabalik nina Luis at Mariel ang maganda nilang pagtuturingan bilang magkaibigan. "Hindi rin naman kasi pwedeng biglain yung sa amin. It was indeed, pero sana more talks din sana. Kasi iba rin naman yung napatutok rin kami bigla sa harap ng camera. Baby steps pa yung sa amin. Ayoko naman sabihin na okay na okay na, tapos na ang usapan. It was a good start din naman," dagdag pa ng aktor.

Samantala, napabalita ring dumalaw diumano si Luis sa taping ng ex-girlfriend niyang si Angel Locsin sa Tagaytay. Muli na nga bang nagde-date ngayon ang dating magkasintahan? "Kaya kong sabihing walang katotohanan 'lsquo;yan, na nakita kami sa bar or sa mall, nagkita at nagkasama kami pero'hellip;" makahulugan pero bitin na sagot ni Luis sa isyu.