Kapamilya stars join BIRs campaign on paying taxes on time

John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao and KC Concepcion are just a few of the stars who joined BIR's campaign at the Trinoma Mall.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/9/2011 8:12 AM
Kapamilya stars join BIRs campaign on paying taxes on time


Kahapon ay pormal nang inilunsad ang tax campaign ng Bureau of Internal Revenue na may theme na "Buwis Mo Para Sa Bagong Pilipinas". Isa itong kampanya ng B.I.R. para ma-meet nila ang target na 940 billion collection for this year. Ginanap ang nasabing event sa Trinoma Mall at dinaluhan ito ng ilang Kapamilya stars like John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao at KC Concepcion.

Todo ang suporta na ibinibigay ngayon ni John Lloyd sa B.I.R. kahit na nagkaroon ng problema sa pagitan niya at ng ahensya noong isang taon. "Nagpapasalamat tayo kasi na-invite tayo dito ng B.I.R. Nagpunta kami rito kasama ng mga iba pang artista like si KC Concepcion, Jaya, para sumuporta sa isinusulong ng B.I.R. na makapagbayad tayo on time. Akala mo kasi February pa lang pero April mabilis lang iyan. Sana ay makapagbayad lahat on time para maiwasan ang mga problema. Mga hindi inaasahang problema with the B.I.R., iyon ang ayaw nating mangyari," pahayag ni John Lloyd.

Natutuwa rin si B.I.R. commissioner Kim Jacinto-Henares dahil pinaunlakan ng ilang celebrities ang kanilang invitation para makatulong sa kanilang campaign. "Every year we have celebrities in part of the campaign. I guess, it made them more conscious about their tax obligations," pahayag naman ng commissioner. Umaasa ang Bureau of Internal Revenue na magiging matagumpay sila ngayong taon sa pangongolekta ng tamang buwis.