Mariel Rodriguez happy to be a housewife to Robin Padilla

The actress-host opens up about her home life with husband Robin Padilla.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/8/2011 12:19 PM
Mariel Rodriguez happy to be a housewife to Robin Padilla


Sa darating na Sabado ay muli nating mapapanood sa telebisyon si Mariel Rodriguez sa pinakabagong noon time show na Happy Yippie Yehey. Marami ang nag-aabang sa pagbabalik ng TV host. Noong Sabado ay nag-guest si Mariel sa Entertainment Live matapos siyang mawala ng ilang buwan. Naikuwento niya dito na masaya siya bilang may bahay ni Robin Padilla.

"Nagpaka-wife ako. Alam n'rsquo;yo namang bagong kasal kami ni Robin, so kailangan kong maging mabuting maybahay, and I'rsquo;m very happy being a wife. Very happy ang aming married life. Mas maalaga si Robin sa akin rather than ako ang mas maalaga sa kanya," pahayag ni Mariel.

Masaya rin si Mariel sa pagkakaayos nila ni Toni Gonzaga. "Noong una, it was kinda awkward. Oo small talk may ganun, noong finally nadoon na, it felt good kasi nailabas na. The nice thing is during the time na we were talking, ang daming nangyari sa amin, kaming dalawa. Iba yung journey na pinag-uusapan namin ngayon. It'rsquo;s a different level din. It'rsquo;s a new chapter," masayang kuwento pa ni Mariel.

Maging si Toni ay excited na rin sa show na pagsasamahan nila ni Mariel. "Nag-dry run na kami for the segments for the flow of the show. It was very relaxing, it was smooth. Di kami nag-trabaho at nagkita ni Mariel ng matagal. Noong pagsabak namin, walang adjustment na nangyari kasi memorize ko na siya, memorize na rin niya ako. We'rsquo;re looking forward to something bigger, better, happier, so yung mga bagay na hurtful ay ayaw na naming pag-usapan. We both agreed with that, na huwag na nating pag-usapan," kuwento naman ni Toni.

Nagkaayos na rin sina Mariel at ang nakatampuhan din noon na si Luis Manzano. Napag-usapan ng dalawa kung ano ang naging problema nila at na-solve naman nila ito. Ngayon ay masaya na muli ang pagkakaibigan nina Mariel, Toni at Luis.