Kim Chiu reacts on fan-snubbing incident

The actress is surprised to learn of this issue regarding a fan who she allegedly did not acknowledge inside a mall.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/8/2011 8:01 AM
Kim Chiu reacts on fan-snubbing incident


Noong isang linggo ay may lumabas na balitang nang-isnab diumano si Kim Chiu ng isang taga-hanga sa isang mall. Nagmula raw ang balita sa mismong ina ng fan na sinasabing na-isnab daw ni Kim noon. Isang kolehiyala raw ang fan na ito at kasama pa ang ilang mga kaibigang balikbayan nang maganap ang insidente. Parang wala raw kasing nakita si Kim nang tawagin nila ang aktres. Galit na galit daw ang ina at nagbanta pa na hindi na susuportahan ang mga projects ni Kim.

Ano kaya ang masasabi ni Kim sa isyung ito? "Hindi ko nga alam kung saan iyan, hindi ko alam 'lsquo;yan," bungad ni Kim. Hindi raw talaga maiiwasan na hindi mapagbigyan o ma-greet ng aktres ang lahat ng fans na gustong bumati sa kanya. Kung may nangyari mang hindi maganda ay hindi naman daw ito sinasadya ni Kim.

"Nakakalungkot siyempre, kasi hindi naman lahat naririnig ko. Parang Hi Kim! Minsan mababa lang tapos hindi ka na makaka-hi back so akala nila suplada or something. Sa amin, hindi naman namin intensyon yun tsaka gusto pa rin naming kumaway sa kanila para matuwa sila," paglilinaw pa ng young actress.

Humihingi naman si Kim ng paumanhin kung mayroon man daw siyang mga nasaktan sa nasabing insidente. "Pasensiya na po. Hindi ko naman intention na hindi mag-hi back sa kanila. Siyempre hindi naman lahat ng tao ay napi-please ko kasi tao lang naman ako eh, may pagkukulang din," emosyonal na pagtatapos ni Kim.