Rima Ostwani enters showbiz via Kapitan Inggo

Diether Ocampo's former girlfriend hopes to make a name for herself in show business.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/7/2011 12:39 AM
Rima Ostwani enters showbiz via Kapitan Inggo


Sasabak na rin sa showbiz ang dating girlfriend ni Diether Ocampo na si Rima Ostwani at siya ang magiging leading lady ni Jolo Revilla sa afternoon teleserye na Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla featuring Kapitan Inggo.

Aminado ang aspiring actress na pati siya ay nagulat nang alukin siyang mag-artista pero sinunggaban na niya ang pagkakataon. "It was really a leap of faith because it was something I thought hindi ko po kaya," paliwanag ng dalaga. "Mahirap po siya. It needs a lot of strength po and confidence."

Kuwento ni Rima malaking factor para tanggapin niya ang offer ang tumatayong manager niya na si Boy Abunda. Wala pa siyang acting experience at ang Kapitan Inggo ang kanyang unang pagkakataon para umarte. "Mahirap pero kailangan maging strong," sambit ng dalaga.

Hindi maiiwasan na baka kuwestiyunin ang pagpasok niya sa showbiz dahil kahit siya man ay hindi inakalang mag-aartista pero umaasa ang dalaga na susuportahan siya ng mga tao.

Masuwerte raw siya na nakita niya ang buhay artista noong sila pa ni Diether at kahit paano ay mayroon na siya ng ideya. Dahil nasanay siya sa office hours, kailangan daw niyang masanay ngayon sa hectic ng schedule. 'nbsp;

Ayon pa kay Rima ay wala silang problema ni Diet kapag nagkakasalubong dahil maayos naman silang naghiwalay kaya'rsquo;t nagbabatian pa rin sila.

At sa kanyang pag-aartista, nais ni Rima na makilala siya bilang aktres at hindi lamang bilang dating kasintahan ni Diether.