• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino talks about her TV comeback and accident in Cebu

Kris Aquino talks about her TV comeback and accident in Cebu

The actress-host is very excited to begin Pilipinas Got Talent Season 2 and The Price is Right.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/7/2011 12:28 AM
Kris Aquino talks about her TV comeback and accident in Cebu


Noong isang taon ay pansamantalang iniwan ni Kris Aquino ang telebisyon para makatulong sa pag-kampanya para sa kanyang kapatid at noon ay senador pa lamang na si President Noynoy Aquino. Nang maging presidente na ng bansa ang kanyang kuya ay tuluyan nang nagpaalam si Kris sa kanyang mga showbiz talk shows kagaya ng The Buzz at SNN (Showbiz News Ngayon) dahil sa pagiging lapitin niya sa mga kontrobersiya.

Makalipas ang ilang buwan, ngayon ay muling inaabangan ang pagbabalik ng Queen of All Media sa telebisyon dahil dalawang TV shows ni Kris ang magbubukas ngayong buwan ng mga puso, ang The Price Is Right at ang Pilipinas Got Talent Season 2.

Kamakailan ay na-aksidente si Kris sa Cebu nang magpunta sila roon para sa auditions ng PGT. Tinawagan ni Kris si James Yap noong maaksidente siya sa nasabing lugar. Naikuwento ng aktres na mas maayos na raw ngayon ang samahan nila ni James bilang magkaibigan. "Nahulog ako doon sa Cebu, doon sa backstage kaya tapyas ang tuhod ko talaga. Tapos in all fairness naman, maganda yung benefit na ang dati mong partner ay atleta. Natawagan namin si James para magtanong kung ano ang dapat ipahid doon sa team doctor nila. Kasi nga noong una bukol na bukol, ang laki," seryosong kuwento ni Kris.

Hindi naman daw naging hadlang ang pagkaka-aksidente ni Kris para hindi matuloy ang auditions. Ngayon pa lamang ay talagang inaabangan at pinag-uusapan na ang second season ng PGT. "Tiring but exhilarating. May halong tension din sa amin kasi sobrang taas ng ratings nung susundan. It'rsquo;s really been such a broad spectrum of talent and it'rsquo;s coming na this February," dagdag pa ni Kris.

Samantala, very excited din si Kris ngayon para sa The Price Is Right. Ito kasi ang longest running game show in the world at si Kris ang kauna-unahang babae na magho-host nito. Mismong sa birthday ni Kris on February 14 magsisimula ang nasabing show kaya very special ang episode na ito. "Masaya! I played all the games, I have to play it in order for me to understand," pahayag pa niya.

Mayroon na kayang special someone si Kris ngayon kahit sobrang busy niya sa kanyang mga TV projects? "I'rsquo;m enjoying my work, I'rsquo;m enjoying my family, I'rsquo;m enjoying my freedom. Mas madaling mag-trabaho nang wala kang iniilagan pero siguro the good thing about life is I'rsquo;m seeing people but I'rsquo;m not dating," makahulugang pagtatapos pa ng queen of all media.