• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes admits she and Rayver Cruz talk about marriage

Cristine Reyes admits she and Rayver Cruz talk about marriage

The sexy actress shares that boyfriend Rayver Cruz's family is very supportive of their relationship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/7/2011 12:52 AM
Cristine Reyes admits she and Rayver Cruz talk about marriage


Recently ay ipinagdiwang ni Cristine Reyes ang kanyang 22nd birthday at sa guesting niya sa The Buzz kahapon ay sinabi niya na sobrang saya niya lalo pa'rsquo;t nasa buhay niya ang pinakamamahal na si Rayver Cruz. Nang itanong ni Boy Abunda kung gaano siya kasaya, sagot ng sexy actress, "Hindi ko po masabi kung gaano ako kasaya, basta ang masasabi ko masaya ako ngayon."

Nagpaliwanag din ni Cristine hinggil sa napabalita kamakailan na nawala niya ang promise ring na ibinigay sa kanya ni Rayver at naging dahilan umano ng kanilang pag-aaway. "Na-misplace ko lang po pero nasa akin na ulit siya," paglilinaw ni Cristine. "Kasi lagi siyang pinapatanggal sa taping. Siyempre kailangan kong isuot 'lsquo;yung ring namin ni Zanjoe (Marudo), 'lsquo;yung ring namin sa (teleserye) hindi ko pwedeng isuot ang ring ni Rayver." Sa teleseryeng Kristine Series kasi ay mag-asawa ang ginagampanan nina Zanjoe at Cristine.

Pinag-ugatan ng maraming intriga ang promise ring ni Cristine at napabalita pa noon na engagement ring umano ito. Nang itanong kay Kristine kung ano ang promise sa kanya ng boyfriend, anang aktres, "Promise ni Rayver sa akin na nandyan siya parati sa akin, na mamahalin niya ako forever." 'nbsp;

Sinabi rin ng aktres na kasundo niya ang ina ni. "Hindi ko po masasabing kaagad (na boto sa akin ang ina ni Rayver) pero nararamdaman ko po na mabait po sila sa akin and 'lsquo;yung pagtanggap nila sa akin is totoo. Wine-welcome nila ako sa family niya. Nahihiya po ako lagi 'lsquo;pag andun si Mommy (Beth) pero nag-uusap po kami lagi," paliwanag ng aktres.

Sinabi rin ni Cristine na paminsan-minsan ay napag-uusapan nila ni Rayver ang tungkol sa pagpapakasal. "Nagdi-dream lang kami. Nagdi-dream kami na one day magiging good father siya (at) siya 'lsquo;yung magpo-provide sa family. Mga ganung bagay lang." Pero nilinaw ni Cristine na hindi naman ito nangangahulugan na magpapakasal na sila ni Rayver any time soon.